Chapter 47

516 24 20
                                    

JENNIE'S POV

Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa pinaggagawa ni Seulgi sa buhay. Pabago-bago leche!

Simula nung maka-uwi sina Jun hindi parin ako bumabalik sa condo ko, nag-stay parin ako sa unit ni Joohyun. Nasabihan ko naman si Jongin kaya ayos lang daw, intindi naman daw niya.

Kulang ata sa buwan yang si Seulgi kaya ganyan mag-isip, gusto kong batukan hanggang matauhan.

Sana hindi nalang niya sila pinauwi muna dito parang gago, mas na-feel pa ni Joohyun na 'di na siya babalikan.

Hindi na 'ko tinanong ni Joohyun bakit dun parin ako nags-stay pero hindi ko siya makausap nang maayos. Maaga siyang umaalis then mauuna pa 'kong umuwi. Tuwing dinner naman, tulog na siya kaya kami nalang ni Bernard nagkakasabay, minsan naman sasabihin niya kumain na raw siya bago umuwi eh gago out namin alas kwatro, anong oras dinner 7 p.m.

Sunod-sunod yung surgery niya, kung may apat ako may anim siya and possible pa na madagdagan yon tuwing may emergency.

Worried sina Wendy since nasa ibang department sila, kumukuha lang sila ng update sa'kin pero Bernard assured them na he'll look after Joohyun.

She's overworking herself pero ever since, yun na yung naging coping mechanism niya para ma-distract sa thought na "wala pa si Seulgi".

Tang inang yan.

Wala kaming magawa kasi tuwing susubukan ko siyang pagpahingahin, sasabihin niya lang..

"Jen let me work." or..

"Pagod na rin naman ako edi isagad na natin."

Diba, nagbago rin talaga yung mood niya. Lagi nang ganyan kaya pasimple nalang si Bernard na binabantayan siya. Kung kay chance, siya yung makakasama ni Joohyun sa isang patient, pero lagi talaga na nahihiwalay siya.

Pansin namin yon, mula nung umuwi sina Jun na hindi kasama si Seulgi naging ganon na siya. Nagulat pa kami nung pumasok siya kinabukasan kasi sinabihan na rin namin si Ate Taeyon na baka mag sick leave nalang si Joohyun.

Ilang araw na rin ata siyang ganon, sabi ni Jun palipasin nalang daw muna hanggang sa maka-isang linggo ulit. Kinwento niya rin samin yung nangyari sa elevator, buti na nga lang sinundan siya ni Jun kaya nahatid pa pauwi.

Gago ka Seulgi kapag wala ka pa bukas o sa Linggo. Parang pinapalipas nalang talaga namin yung araw, Friday na agad ngayon. Ako na yung kinakabahan dun sa natitirang dalawang araw kasi tulad nga ng sabi ni Jun..

"Sinusukuan na niya si Seulgi. Kung wala pa siya hanggang ngayong linggo, wala na Jen."

Gago. Yang mga ganyang desisyon ni Joohyun alam kong hindi biglaang desisyon yan. Matagal na niyang iniisip yan, na-trigger lang talaga nung nakaraan. Depende nalang kung di niya tqlaga intensyong sabihin yon, nadala lang ganon.

"Jen uy!" Nabalik ako ulirat ko nang tawagin ako ni Joy.

Nandito pa nga pala 'ko sa OC room nila. Gusto nila ng chika eh, available naman ako, edi magchismisan tayo.

"Parang tanga naman to, magtititigan nalang ba tayo dito?" Sabi pa ni Yeri pero inirapan ko lang sila.

"Ano ba kasi!"

"Ano na? Break na ba?" Bibig netong si Joy napakapasmado eh.

"Gago sayang.." Panghihinayang na sabi naman ni Wends.

Mga sira ulo.

"Advanced kayo masyado leche. May two days pa, Saturday at Sunday. Kung wala parin, wala na tayong magagawa don, hindi na mapipilit yon. Pagod na si Joohyun."

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now