Chapter 24

1.4K 43 44
                                    

JOY'S POV

"Ganito nalang, last day naman na namin except kay Joohyun na lalandi pa for a few days..." Pag-aawat ni Jennie sa kanila.

Kanina pa kasi kami dito parang mga bonak tong mga to hindi kami magkasundo saan pupunta. Gusto ng boys tumugtog, tamang chill lang. Kami naman mas gusto naming lumabas para sulit naman yung punta namin dito. Pagbalik ng Manila nonstop na naman duty pakineng shet talaga.

Tumawa lang kami dahil sa sama ng tingin ni Joohyun kay Jennie pero hindi siya pinansin ni Jen since isa siyang strong motherfucker na kayang sabayan ang attitude ni Joohyun.

"Aalis na tayo mamayang gabi kaya mag Sky Ranch nalang tayo buong maghapon para sulit. Ano? Sampalin ko umangal." Sabi niya at isa isang sinamaan ng tingin ang mga bonak.

"Luh Rubyjane naman... sabi ko nga Sky Ranch na.." Halos pabulong na sabi ni Jongin at umiwas ng tingin. Under amputa.

"May point naman kasi si Jen.. Pagbalik natin, kinabukasan puro work na ulit. Kung masaktuhan pa na may tangahing magca-cause ng aksidente sa daan edi tambay na naman kami sa ER." Dagdag pa ni Seungwan. Yes my friend tama yan, I love your points.

"Puro lakad naman kasi gagawin natin don pota."

"Sky Ranch nga isa ka pang tangahin malamang may rides don, ano bang ginagawa sa amusement park?" Iritang sagot ni Yeri kay Min. 

"Ayan bobo HAHAHA!" Batok sa kanya ni Lay. 

"May ibang time pa naman para tumugtog! Tsaka tangina niyo minsan lang kami makalaya sa ospital." Dagdag ko pa. Nagtinginan sila, hinihintay na may susunod na sumagot pa samin pero pare-pareho rin silang nag-ilingan kaya napangisi naman kami.

Tumingin sila kay Seulgi kaya napatingin na rin kami sa kanila sa may couch naka-upo habang yakap si Joohyun na nasa harap niya.

Magbabardagulan na kami dito kung saan pupunta sila puro landian inatupag.

Si Tzuyu at Bernard naman tamang abang lang kung anong final desisyon. Goods naman daw sila kahit saan kaya tulad ng dating gawi, kung anong sasabihin ni Seulgi, yun susundin.

Kaya ayan..

Kung hindi sila bagay kanina ko pa nabato ng tsinelas to mga walangya may jowa naman ako pero 'pag nakikita ko silang ganyan ka-sweet naiirita ako bigla kay Sehun.

Ba't ba ganto jowa ko Lord parang susunod na kay budoy!

"What?" Takang tanong ni Seulgi habang nakapatong ang baba sa balikat ni Joohyun.

"Kelan kayo matatapos diyan?" Sarkastiko kong tanong.

"Kulang ka ba sa aruga ni Sehun?" Seryosong tanong ni Seulgi. Tanginang to, OO GAGO!

"Tangina naman Seulgi 'wag ganyan." Sabat ni Sehun kaya napatingin agad ako sa kanya na sumesenyas kay Seulgi.

Takot ka? Leche.

"Tinatamad ka manuyo?"

"Di naman Ligaya-"

"Wag mo kong kausapin leche ka." 

Tinawanan lang siya nila Jongin, pinigilan ko nalang din na tumawa. Parang di kasi nakukumpleto araw ko 'pag hindi ko inaaway yang panget na yan, cute lang na kailangan pa niyang mag-isip pano ako susuyuin. 

Ayos na rin para naman hindi nabubulok brain cells niya.

"So nasa inyo desisyon, Sky Ranch or tugtog?" Tanong ni Jennie sa kanila.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang