Chapter 53

760 23 15
                                    

JENNIE'S POV

Parang katutulog ko lang kanina breakfast na agad puta. Si Tita Tiffany at Tita So Hee lang yung fresh, the rest sabog na.

Yung boys may mga hangover pa, napilitan lang gumising. Sina Yeri kanina pa hikab nang hikab, ganun din ako.

Sina Seulgi at Joohyun? Wala! Mga lecheng yon hanggang ngayon tulog pa!

"Pano tayo magwa-water activities niyan?" Natatawang tanong ni Tito habang umiinom ng kape.

Sisihin mo anak mo Tito. Kasalanan niya lahat 'to.

"Nasaan sina Joohyun?" Bigla akong kinabahan dahil nililibot na ni Tita Tiffany ang paningin niya. Anong sasabihin ko? 5 a.m na nakatulog kasi nag-exercise pa kagabi?

"Nasa room pa ata Tita.." Wala sa wisyong sagot ni Wendy kaya kahit siya nagulat sa sinabi niya.

Gaga talaga..

"Oh.. sige puntahan ko–"

"AY TITA 'WAG NA!" Lahat sila gulat na napatingin sakin nang tumayo ako sa kinauupuan ko. Eh kasi naman!

Hindi ko makakalimutan tong araw na 'to Joohyun shet ka girl!

"A-ah ano kasi Tita.. ako nalang pala." Pinanlakihan ko pa ng mata sina Yeri para hindi na magsalita. Baka sa sobrang inis neto kagabi magsumbong bigla.

Next time ihihiwalay na namin si Joohyun ng kwarto kay Seulgi para pare-pareho kaming payapa ng tulog!

I excused myself na. Hindi pa sila nagsisimulang kumain since wala pa naman yung breakfast, coffee palang yung sinerve tsaka hindi talaga magsisimulang kumain yan nang hindi kami kumpleto.

Yun na nakasanayan eh.

While walking papunta sa room nila, na-realize 'kong sobrang laki pala talaga nitong resort. Kaya naman ni Seulgi, 'di na dapat ako nagulat but still..

Konting trivia, remember nung umuwi sila nang hindi kasama si Seulgi? Hindi ko tinantanan si Jongin hangga't hindi nage-explain non. Pero wala parin, loyal kay Seulgi pota. Then nung nag-uusap kami nila Joy sa on-call room nila, nung sinabi ni Wendy na we should ask our jowas daw, I knew already na Soo told her something.

Kaya kinuit ko si Jongin. Sabi ko, kung hindi niya sasabihin wala na siyang jowa kinabukasan. Easy, baka Jennie yan?

Ako muna magkkwento kasi busy pa sila, wala kayong choice.

So ayon na nga, after daw nila na maka-usap yung mga panget, that's their term, pinuntahan na nila sina Tito at Tita. Seulgi assured them na safe na bumalik ng Moscow kaya sinama na nila sila pabalik ng hotel.

Nag-insist daw sila na mag-stay pa hangga't inaayos ni Seulgi yung papers na kailangan para makaalis ng Russia, like alis na talaga, wala nang balikan pero makulit daw talaga si Seulgi kaya pinauwi na sila.

Sobrang naperwisyo na raw kasi sila ni Seulgi, yun daw ang sabi. Arte ni Seulgi kala mo others.

Pero yung sa part kung paano nagkaayos sina Kuya Yunho at Seulgi, hindi nila alam yon kasi nga una silang umuwi okay? Okay, tuloy tayo.

So bago raw sila umalis ng Russia, that's when Seulgi told her plan na. Bukod sa dahilan niyang naperwisyo na niya sina Jun, kaya pinauna na rin niya is para makapagprepare dito.

Yes, nung proposal niya. Pinilit daw talaga ni Seulgi tapusin lahat sa Russia within a week kasi ayon na nga may planong magpropose.

One week preparation, akala nila enough na yung time pero for Seulgi, kulang na kulang na yung oras kaya Seulgi rushed everything daw. Sobra pa nga raw yung budget na binigay niya nagpadala na ulit. She wants quality parin daw kasi kahit rushed.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now