Chapter 76

645 19 4
                                    

IRENE'S POV

"Baby can you get the extra pillows sa guest room?" Sigaw ko kay Seulgi na mino-move yung mga couch katulong si Jongin.

Inaayos ko na rin kasi yung latag dito sa may living room. It's more fun kasi kung ganito. Unang gabi palang naman, buong weekend naman sila dito. Pinapalitan na rin namin yung tubig sa pool just in case na gusto nila mag swim.

We prepared everthing, literally. Our stocks, guest rooms and all.

"Wait lang pre." Sabi niya naman kay Jongin at tumakbo na papuntang guest rooms.

"Laki ng bahay niyo Mareng Irene." Napatawa naman ako. Sabi niya kasi kanina unang beses palang talaga niya nakapunta dito kasi simula nung magawa 'to, sina Jun na yung palaging bumibisita.

"Gusto ni Seulgi malawak daw yung tatakbuhan ng mga anak niya." Sagot ko.

"Wow, mga. Lakas talaga."

"Loko." Iling ko nalang. Dumating na ulit si Seulgi dala-dala yung mga unan. Ngayon lang din namin magagamit 'to kasi for guests lang naman.

Hinanay ko na rin agad.

"6:30 na ah, saan na raw sila?" Tanong ni Seulgi pagkatingin niya sa wrist watch niya.

"Kanina pa nagmessage sina Kyungsoo, sinundo raw si Wendy sa ospital, si Jaehyun naman sinundo rin si Yeri pero idadaan pa si Eli sa mama ni Yeri, si Sehun naman kani-kanina lang nagmessage na papunta na kasi sinundo pa si Ligaya." Sagot ni Jongin sa kanya.

"Si Jen?" Hindi niya ba susunduin si Jennie? Kanina pa end ng shift non.

"Ah, may dala raw kasi siyang car. Nung tinawagan ko para magpaalam na mauuna ako dito okay raw kasi ayaw niya ring iwan yung kotse niya ron."

"Wala pang message?" Tanong ko pa. Umiling siya.

"Gago ka ba't di mo tawagan?" Sabi naman ni Seulgi bago tumabi sakin at sumiksik. Nakaupo na kasi ako sa couch na ginilid nila kanina.

Inirapan naman kami ni Jongin. Nakukuha na niya mannerism ni Jen.

"Eh kapag nale-late siya ng uwi, kung hindi emergency meetings, may surgery pa siya." Umupo na rin siya sa couch na medyo malayo samin pero nagkakarinigan parin kami.

The living room is big kasi.. I mean, malawak? If that's the right term. Mataas din kasi yung ceiling.

"Tumatawag ako after an hour an a half, ayokong maging istorbo sa kanya. Kapag wala paring sagot after ng isang oras, dun na 'ko pumupunta ng ospital kasi minsan hindi na niya napapansin yung phone niya."

Hay nako Jennie.. kaya pala ayaw mo ng posisyon ko.

"Are you okay with it naman?" Tanong ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Seulgi dahil nakasiksik parin siya sa leeg ko habang nakayakap sa bewang ko.

Nag-alangan pa siya nung una bago sumagot.

"Oo naman, trabaho niya yon e. Saka ganito rin kaya si Seulgi non." Tawa niya kaya tiningnan ko si Seulgi na masama na ang tingin sa kanya.

"Aww, ganon ka pala dati baby."

"At least ako gumagawa ng paraan para may baby time parin, yang isa nagpatalo sa trabaho ng jowa niya." Mapang-asar niyang sagot bago yumakap ulit sakin.

"Ngina mo talaga Seulgi."

"Oh so nagtatampo ka na kay Jen?" I mean, it's valid naman? Yes it's work pero huwag niya rin sana kalimutang may naghihintay sa kanya umuwi.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now