Chapter 52

1K 27 25
                                    

IRENE'S POV

Around 2 a.m na ata nung natapos na kami. Natulog na sila mom mga bandang 12 a.m, sumunod na rin sina mama sa kanya dahil lasing na rin si papa.

It feels nice to call someone papa again.. I miss my dad everyday.

But anyways, I was waiting for Jen, Wendy, Yeri and Joy pa. Nagpatulong na rin kasi kami sa ibang staff dito na ihatid sila sa mga kwarto nila.

As usual, sina Jen, Wendy, Joy and Yeri yung magkakasama sa room. Nakasanayan na rin na hangga't hindi pa kasal, laging ganyan.

Exception lang kami bakit ba?

Wala rin kasi si Jae kaya walang kasama si Yeri kung magsosolo siya ng room.

Pare-pareho silang bagsak. Sina Jen naman kahit naka-inom kaya pa naman daw. Huminto na sila uminom ng mga bandang 12 a.m rin kaya medyo nawala na yung tama sa kanila pero 'tong sina Jun, tuloy-tuloy parin.

Lalo na si Baekhyun na walang tigil kakasuka.

"PUCHA NAMAN BAKLA!" Sigaw ni Joy habang hinahagod ang likod ni Baek. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na siya sumuka ngayon.

Ubusin ba naman yung Chivas.

"Arte mo shiuta ka Ligaya!" Sagot niya at akma pang papahiran si Joy na umiwas agad. Kadiri pota.

Pagkatapos namin linisan si Baekhyun, pinahatid na rin namin sa room nila kasama sina Minseok at Lay.

Si Sehun, Jongin, Soo at Jun yung magkakasama sa room.

Nakabalik na rin sina Wendy galing sa room ng boys.

"Ayos na sila?" Tanong ko. Napabuntong-hininga nalang si Wendy at umupo.

"Tangina kasi iinom-inom 'di pala kaya sarili!"

Napalingon naman ako kay Seulgi na tahimik lang na nakaupo. Inosente lang siyang nakatingin samin at ngumiti nang mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"Huy baliw na ba yan?" Natatawang tanong ni Yeri.

Nagkibit balikat nalang ako at lumapit sa kanya.

Marami-rami rin siyang nainom kanina kaya nakakapagtaka nga na ganito siya ka-behave. Normally kapag nalalasing siya nagkukulit siya or bagsak agad.

"Hey.." Yumakap agad siya at ibinaon ang mukha sa tiyan ko. Napa-ismid naman tong mga kasama ko.

"Hindi ako lasing baby.." Wala pa nga akong sinasabi.

"Ilan to?" Tumingala agad siya sakin. Nagtaas ako ng isang daliri.

"Easy, tatlo." Sagot niya kaya agad na napatawa tong apat.

"Tingnan mo.. you're drunk, hindi na nga pantay tingin mo."

"No.. you're very clear baby, ganda mo kaya." Sagot niya pa na mas ikinatawa nila.

"Nawala tama ko leche ka Seulgi!" Tawa pa ni Jennie.

"Punta na tayong room so you can sleep na." Hindi na siya sumagot kaya inalalayan ko nang tumayo pero tumayo lang siya nang kanya at umakbay sakin.

"See? I'm completely sober." Completely sober pero nangangamatis na siya sa sobrang pula. Wala na nga siyang mata.

"Ipasok mo na yan Joohyun." Sabi naman ni Wendy. Tumingin ako sa kanila na isa-isa ring tumango.

"Papasok na rin kami mamaya, una na kayo."

"Okay.. good night girls!"

"Good night use protection girl!" Sigaw pa ni Joy kaya sinamaan ko siya ng tingin.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon