Chapter 36

779 23 15
                                    

JENNIE'S POV

One dot papalitan ko 'tong mga kaibigan ko, lalong lalo na tong si Joy at Yeri pota!

"Tanga maganda puti pag kasal!" Turo ni Yeri sa picture ng puting dress na kanina pa namin tinitingnan.

"Ayoko nga ng puti, gusto ko unique!" Sagot naman ni Joy.

"Edi magpula ka pota kanina pa tayo namimili!" Irap ni Yeri.

Hindi pa naman yan yung final na wedding dress ni Joy, nagpatulong lang daw siya para ready na kapag magsusukat na sila ni Sehun.

May mga duty kami tapos mambubulabog siya, wala namang tinatanggap na suggestion.

"Pula amputa bobo ka ba?"

"Hey, can you both shut it down?" Kalmadong sabi ni Joohyun pero sapat na para manahimik sila.

"Sino bang designer niyo?" Tanong niya ulit.

"Malay ko kay Sehun, surprise daw."

"Baka naman big time yung designer na kukunin niya." Sabi naman ni Wendy.

"Lagi silang magka-usap ni Seulgi recently.." Dagdag pa ni Joohyun.

"Baka designer na friend ni Seulgi?" Tanong ko. Nagtanguan naman sila.

"If that's the case, you don't have to worry about your gown. Seulgi's friends are good you know.."

Tong si Joohyun pa-humble pero kinikilig na talaga yan tuwing nababanggit si Seulgi.

Sino ba namang hindi kikiligin kung kahit saan may koneksyon jowa mo? Kaya di ko masisisi yung mga lumabas na balita na inggit na inggit sa kanilang dalawa.

"Ikaw ba?" Biglang tanong ni Wendy kay Joohyun. Pare'pareho kaming napangisi. Pula agad ni gaga.

"A-anong ako?"

"Kelan ang kasal?" Tanong ko na, atat ako eh.

"Not sure when... but she wants to do it abroad." Iwas tingin niyang sagot.

"Abroad, gagi nae-excite ako. Dami pa namang pakulo ni Seulgi sa buhay." Sabi ni Joy with matching palakpak pa.

"Gusto niya yung legal same sex marriage no?" Tanong ni Wendy, tumango naman siya.

Syempre, Seulgi won't settle sa papers lang.

I'm sure Seulgi will go all out once na ikakasal na sila. Kilig shet!

"Napag-usapan niyo na ba yan?" Tanong ni Wendy.

"Yeah... but you know, we still need to settle some things bago magpakasal."

Right..

Base sa sinabi niya nung nakaraan, hindi talaga sila makakapagpakasal kung etong isa andami pang iniisip.

But I'm sure naman, after maayos ng problema sa family ni Seulgi, since okay na kay Boa, they can get married na.

"Ba't di nalang kayo magpakasal muna bago niyo i-settle yan? Tapos gawa na kayo anak para happy happy na."

Paka-tanga din netong si Joy minsan eh.

"Boba tapos ano, iiwan nila yung mga bagay na yon dito sa Pinas?" Sagot naman ni Wendy.

"Bakit, abroad ba kayo titira?" Tanong ni Yeri kaya pareho kaming natigilan.

Oo nga no?

May business din si Seulgi sa France and base sa mga kwento ni Tzuyu...

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now