Chapter 64

496 26 20
                                    

JENNIE'S POV

When we reached the hospital agad naming nakita sina Ate Taeyon, si Bernard at iba pang mga nurse na nag-aabang.

I clearly saw how Ate Taeyon and Bernard went pale the moment they saw Joohyun kasi just like us.. they knew.

Hindi ko direktang masabi kay Seulgi dahil hindi madali sakanya na tanggapin agad yon. She wants Joohyun to fight. Ganun din kami but..

..it all depends on Joohyun now.

Hindi na 'to tulad nung mga nakaraang laban nilang dalawa eh. Yung kalaban nila ngayon, wala na silang control.

"Anong nangyari?!" Sigaw samin ni Ate Taeyon. Magkahalong galit at takot ang nakikita ko sa kanya. Kahit si Bernard ay hindi na magawang magsalita.

We only have minutes or worst seconds now to save Joohyun. Kahit ayaw naming aminin, we might lose her.

"T-Taehyung, it's Taehyung." Nanginginig na sagot ni Seulgi na mukhang naintindihan agad ni Ate Taeyon dahil mahina siyang napamura.

"Heechul! Bernard! OR Now!" Agad nilang itinakbo si Joohyun papasok. Hindi bumibitaw si Seulgi sa kamay niya kaya kinailangan pa nila Jun na hawakan si Seulgi.

"Fuck..fuck..fuck.." Sunod sunod na mura ang narinig ko kay Joy habang pabalik-balik siya sa kinatatayuan niya. Tumakbo naman pabalik samin si Wendy.

"We need blood. Bumababa na ang blood pressure ni Joohyun, marami siyang nawalang dugo kanina, kahit operahan siya dun ngayon.. kukulangin siya ng dugo."

Tuluyan nang bumagsak sa sahig si Seulgi kaya agad namin siyang tinulungang makaupo.

"S-she'll make it right? Lalaban siya di ba?" Walang nakagawang sumagot samin. Kahit si Junmyeon wala na ring nagawa kundi ang yakapin siya.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses na pero agad siyang humagulgol nang gawin ni Jun yon.

Maya-maya pa ay nagmamadaling lumapit sa'min si Ryujin.

"Doc!" Hingal siya nang makalapit.

"Kailangan ng dugo.. doc." Hinahabol parin niya ang hininga niya.

"Fuck.. B negative si Joohyun!" Nagpapanic na sabi ni Joy. May mga nakareserbang dugo dito sa ospital pero kung B negative si Joohyun..

B negative or O negative lang siya pwedeng tumanggap. Shit..

Agad na tumayo si Seulgi at lumapit samin. Nawawalan na siya ng balanse pero pinipilit parin niyang tumayo.

"I'm O negative!" Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng nagsalita. It was Mark..

"I checked the blood available, kokonti ang available na B at O negative. Take mine." Tumango naman si Ryujin.

"B negative ako!" Sigaw naman ni Minseok.

"O negative kami!" Sigaw din nila Lay at Baekhyun.

"We're O negative." Sabi rin ni Joy at Wendy.

"Tara na po." Wala na silang sinayang na oras at sinundan na si Ryujin.

"Tang ina.. tang ina ko talaga. Pucha!" Nagulat nalang kami nang makita si Seulgi na hinahampas yung dibdib niya habang sinasabi yon.

"Seulgi tama na!" Sinusubukan na siyang pigilan ni Jongin pero umiling lang siya at hindi tumigil.

"Hanggang ngayon wala akong magawa.. wala akong magawa para maligtas siya ron!" Hindi namin alam kung anong dapat sabihin. Hindi rin namin alam kung ano yung gagawin para mawala yung sakit diyan sa dibdib ni Seulgi.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon