Chapter 5

910 37 23
                                    

IRENE'S POV

"Joohyun naman, don't mind it. Kaya nandun na si Dr. Kim kasi si Bernard yung papalit sa kanya as your partner for now. May patient ako don na hindi ko maaasikaso ngayon since may sudden conference ako sa Paris, ayos ka na Dr. Bae?"

After I received her message, dumiretso agad ako sa office niya. Binibigla nila ko sa mga ginagawa nila.

"Bakit hindi ako?"

"Marami kang patients na need operahan next week."

"At si Jennie wala?"

"She finished her operations kahapon and yung ngayon, si Lisa yung nasa OR. So lahat ng duty niya nasa VIP Ward hanggang sa makabalik ako."

"Ilang days yon?"

"One week I think? But pwedeng ma-extend depende sa host."

"Ba't antagal?"

"Don't know.. Sooyoung will be here habang wala ako, remember her?"

Isa pang bungangera, si ate Sooyoung. Kaya sobrang click netong dalawa eh, parehong lumunok ng mic.

"Yeah.. yung hindi nawawalan ng kwento, pati buhay ng kapitbahay niya ikkwento niya na."

"Yon yon! Siya muna dito hangga't nasa Paris ako at nga pala...." Tumayo siya at may kinuhang folder. "Look at this." She opened the folder. with a picture of a brain.

"Kanino yan?" Tanong ko.

"Mamaya ko sasabihin pero look at this." She pointed at the upper right part of the brain.

"Damn ate Taeyon, that's hard. Glioblastoma is not a joke, ate I studied for years and every professors told me na kahit advance pa ang gagamitin natin to treat that, malaki parin ang chance na mamatay yung patient."

"I know Joohyun but the family wants to take risk. Sinabi ko na rin yan nung nakita ko yung test result but they're willing to pay any amount just to try. Alam mong hindi ako tumatanggi sa pasyente." She's right but still... the median survival time with glioblastoma is 15 to 16 months, yun pa yung nakakatanggap ng chemo.

"Ilang taon?"

"56."

"Shit ate... you're telling me na I'll be the head surgeon?" Agad siyang tumango kaya mariin akong napapikit. This is the first time na maghahandle ako ng patient na may Glioblastoma.

"Sinong assistant?"

"There will be two and I'm thinking of Bernard and Dr. Tuan. He handled cases like this nung nasa France pa siya, you can ask him kung anong experience niya or kung nabuhay ba yung patient."

"Eh bakit hindi nalang siya yung head tapos ako yung assistant para happy happy na?" Napatawa naman siya at bumalik sa upuan niya.

"Di ko pwedeng gawin yon Joohyun kung ikaw ang ni-request nung patient. She wants the best Neurosurgeon of South Valley to operate her. Yun din ang gusto nung anak niya, wala silang pake kung milyon pa raw ang ibabayad basta ikaw ang mag-oopera, diba kabog!"

Bigla akong kinabahan, yung pressure andiyan na naman. Ako yung inaasahan nila para mabuhay pa ng mas matagal yung nanay nila...

"Ate what if I fail? What if hindi ko magawa ng maayos? What if-"

"Joohyun." Agad akong napahinto. "Hindi nila gugustuhing ikaw ang maging doktor nila kung alam nilang hindi mo kaya. Minsan ka nang nabalita sa national tv nung naligtas mo yung buhay nung senador na nag 50/50 yung buhay dahil sa aksidente non kaya don't doubt yourself. Meron ka pang one week to prepare yourself."

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now