SALAMAT AT PAALAM

16 1 2
                                    

Linggo ng hulyo noong mga araw na 'yon nang simulan kong isulat ang istoryang ito. Tandang tanda ko pa kung paano ako sinisipag sa pagsusulat noong unang linggo. Maraming naglalaro sa aking isipan, hindi ko alam kung paano ko ilalagay ang lahat ng 'yon sa kwentong ito.

Hindi ko akalain na mapapamahal ako sa pagsusulat. Hindi ko alam pero kahit hindi gaanong kaganda ang istoryang ito ay masaya ako. Masaya ako dahil natapos ko ang sinimulan ko. 173 na araw, gano'n katagal ko natapos ang nobelang ito. Masasabi kong kahit hindi ako katulad ng mga batikan sa pagsusulat ay pinagmamalaki ko ito.

Ikaw na nagbabasa nito ang masasabi ko lamang ay SALAMAT, WALANG HANGGANG PASASALAMAT. Kailan man ay hindi ko inisip na may magbabasa nito dahil masaya na ako dahil nasulat ko ang gusto ko. Ang ngiti sa aking labi habang sinusulat ko ito ay hinding hindi matutumbasan ng kahit anong reads, votes and comments dahil masaya na ako dahil natapos ko ito.

LIT SQUAD kayo ang dahilan ng lahat ng ito. Noong araw na hindi ko pa kayo kilala ay medyo nawawala ako sa sarili ko sa pagsusulat, pero nang makita ko ang inyong grupo ay humanga ako dahilan upang muli akong magpatuloy sa pagsusulat. Grabe ang samahan na ito, lahat ay naghihilahan paangat.

Hindi ko na kayo iisa isahin pa dahil lalo kayo ay pantay pantay lamang. Salamat sa lahat ng nilaan niyong oras. Asahan niyong hindi rito magtatapos ang aking kabanata dahil may mga susunod pa akong gagawin gamit ang aking malikhaing imahinasyon. Hinihiling ko na ako'y inyong suportahan sa mga susunod pa. Magkita tayong muli.

Kaya aking Binibini at Ginoo,

Salamat at Paalam.

-SenyorCicatrize

Silong (Completed)Where stories live. Discover now