Kabanata 8

51 11 0
                                    

Whizelle Sun POV

"Ate!" tawag sakin ng isang babae. Minulat ko ang mata ko upang makita siya. Puting liwanag ang tumambad sakin, wala ako masyadong makita kundi puro puti.

"Ate buti nalang at magagawa kong magpaalam sayo" kurap mata ko siya tinignan. Paalam? Saan siya pupunta? kukunin na ba siya ng pamilya niya? "Patawad ate kung hindi ko natupad ang pangako ko sayo na kakayanin ko" hindi ko alam ano ang nangyayari naguguluhan ako.

"Nasa ospital lang tayo diba, saan ka pupunta? Magagamot ka pa. Kinukuha ka na ba ng pamilya mo?" umaasa ako na sinusundo lang siya ng magulang niya. Umaasa akong narealize na ng magulang niya kung gaano siya kahalaga.

"Patawad ate, Sorry sorry" tumakbo siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak siya "Sana nga tanggap na nila ako ngayon, Sana mahal na nila ako ngayong wala na ako" Hindi ko na rin mapigilan pa ang luha ko dahil kusang bumagsak na ito.

"Ano bang pinasasabi mo dyan nandito ka pa, nasa ospital lang tayo. Tara na ihahatid na kita" hinawakan ko ang kamay niya ngunit hindi ko siya mahila. Umiling siya ng paulit ulit.

"Hanggang dito na lang ako Ate..." ngumiti siya "Salamat sa lahat ng tinulong mo sakin. Ikaw ang dahilan kaya ako patuloy na lumaban, ikaw ang dahilan ate kaya tumagal ako" hindi ko na kaya, napaupo na ako sa sahig niyapos ko ang tuhod ko.

Naramdaman kong niyakap niya ako. "Bakit Alely? Wag mo ako iwan please..." pakiusap ko. "Dito ka na lang sa tabi ko" inangat ko ang ulo ko at nagtama ang paningin naming dalawa.

"Nandito lang ako lagi sa tabi mo ate, palagi kitang babantayan," pinahiran niya ang luha ko gamit ang kamay niya. "wag kang mag-alala dahil maraming nababantay sayo" Inalalayan niya akong tumayo.

"Hanggang dito na lang ba talaga?" hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit na. "Hanggang sa muli na'tin pag-kikita, paalam Alely" sa huling pag-kakataon ay niyakap ko siyang muli "Mahal na mahal kita".

"Mahal na mahal din kita ate Milagros, Paalam" wika niya. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, napatigil ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tatanungin ko pa sana kung totoo ba ang sinabi niya, pero unti unti na siyang nilamon ng liwanag hanggang sa hindi ko na siya makita.

"1, 2, 3, Clear!" nagising ako dahil sa malakas na kalabog sa dibdib ko. Unti unti kong minulat ang mata ko. Ramdam ko na may tumulong tubig galing sa mata ko.

"Gising na siya doc!" masiglang wika ng isang lalaking pamilyar sakin. Siya yung lalaking intern. Nilibot ko ang mata ko, nakita ko Doctor Roman na pawis na pawis. Sumilay agad sa labi niya ang ngiti ng makita niya akong gising na.

Hinanap ko ang dalawang lalaki na inaasahan kong nandito, ngunit isa lang ang nakita ko. 'Si Khriz' nakatayo siya sa gilid ko, nginitian niya pa rin ako kahit kagagaling niya lang sa pag-iyak.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now