Kabanata 20

18 2 0
                                    

NAGLALAKAD kami ngayon papunta sa opisina ni Alex. Nakasuot ako ng black na skirt and coat tsaka white na polo panloob. Sinama nila ako ni Jerome, gusto niya raw akong assistant secretary. Syempre pumayag na ako para buong araw kong makakasama si Alex. Ayoko na lang humilata magdamag sa bahay.

Nang makaratinging kami sa opisana niya ay agad na napukaw ng mata ko kung saan nangyari ang kaganapan. Naroon pa rin ang dalawang table dalawang dipa ang layo sa isa't isa. Naaalala ko pa rin ang araw na nangyari yon pero hindi ko dapat intindihan pa. Dahil kailangan natin umusad wag tayo mag stick sa nakaraan. Hindi ko sinasabing walang maitutulong ang nakaraan dahil sa katunayan ay ito ang nagsisilbing aral satin para mag maging maayos pa tayo sa future.

"Anong gagawin ko rito?" tanong ko dahil hanggang ngayon ay hindi nila sinasabi sakin ang gagawin ko. Ilang linggo nila tong binalak "hindi man lang nagkusa na sabihin sakin, baka gusto niyo pang ako ang lumapit sa inyo" saad ko na parang ako ang boss sa opisinang 'to. Nagkatingin ang dalawa na natulala dahil sa sinabi ko. "magtitinginan na lang kayo?" sa loob loob ko ay natatawa na ako dahil feeling ko talaga ay pag aari ko ang lahat ng to.

"Tumigil ka nga. Ako ang boss mo at ang boss ko ay si Alex," papasin talaga tong si Jerome. Hindi man lang makisama kala mo hindi kasabwat nung nakaraan "hindi ikaw ang boss namin" sinamaan ko na lang sila ng tingin habang sila ay natatawa. Pitikin ko ang itlog nilang dalawa e'!

"Relax ka lang, babe," natatawang saad ni Alex. Relax? Magrerelax lang ako dito? edi sana sa bahay na lang talaga ako nanatili "tititigan mo lang ako buong araw" pagbibiro niya pa pero seryoso ko lang siyang tinignan. Kala naman ay hindi ko gagawin yon. Buong araw ko lang talaga siya tititigan, mas okay sakin yon.

Ganon nga ang nangyari ilang oras ko siya tinitigan, hanggang ngayon habang may inaayos siyang papel na dinala ni jerome ay tinititigan ko siya. Minsan ay mapapatingin siya sakin at matatawa dahil hindi ko talaga inaalis ang mata ko sa kaniyang mula pa kanina. Kahit saan siya magpunta dito sa loob ng opisina ay nakatingin lang ako sa kaniya.

"Tititigan mo lang talaga ako?" ani niya ng hindi tumitingin sakin. Gulo talaga nito ni alex. Sabi niya magrelax ako at titigan siya buong araw tapos ngayon magtatanong kung tititigan ko lang siya buong araw "inaakit mo ba ako?" napaatras ang muka ko dahil nang humarap siya ay muntikan niya na akong mahalikan.

"Tanghali pa lang kaya, diba?" natayo ako sa gulat dahil may tao na palang pumasok sa loob. Tapos pagtingin ko si ay yung halos kamukha ni kween jasmin lang pala ang pumasok. Si Mik. "pero pwede niyo naman gawin yan kahit tanghal-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumingit si Alex.

"Okay," nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Halikan sa harapan ni Mik. Malambot na halik at hindi mapusok. Mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako makagalaw dahil hawak niya ang mukha ko. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman at hindi ko inaasahan na may makakakita pa nito. Naramdaman kong unti unti humiwalay ang labi ni Alex sa akin, ayoko pa sanang matapos yon pero ayokong magkalat dito "Pasesya na binibini ko, pwede daw kasi" gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita mula sakin.

Napatingin ako kay Mik, katulad ko ay gulat din siya dahil sa nangyari. Nararamdaman niya kaya ngayon ang naramdaman ko noong makita ko silang dalawa ni Alex sa ganito sitwasyon? Hinihiling ko na lang na sana ay maglaho na ang nararamdaman niya para kay alex.

ARAW ng linggo nagbalak kaming magsimba ni Alex sa st. tomas batangas, sa padre pio. Gusto kong mag road trip kaming dala pero hindi dala ang sasakyan niya nang maranasan naman niya maging mahirap. Hindi ko naman sinasabing mahihirap ang mga tao na sumasakay ng jeep ang ibig ko lang sabihin ay nang maranasan niya ang hirap ng commute.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now