Kabanata 6

55 11 2
                                    

Whizelle Sun POV

"Mahal kita..."wika niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman sa sinabi niya may ibig ba siyang ipahiwatig? Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako."Mahal kita sister"natatawa niyang sabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinagkadiin diinaan pa niya yung huling salita na kaniyang sinabi. Pero kahit ganon ay nakahinga na ako ng maluwag. nag o-over think lang siguro ako."Mahal ko rin kayo at hinding hindi ko kayo iiwan"nakangiti kong sabi.

Ginulo niya naman ang buhok ko at umakbay sakin, muli kaming tumingin sa itaas kung nasaan ang libo libong mga bituin."Brother?"tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"sagot niya habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

"May libro ka bang pamagat lang ang nakasulat at mukang nasunog na?"tanong ko sa kaniya,dahil hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko yung nangyari sa kwarto niya. Nakakunot na ang noo niya ng tumingin siya sakin.

"May ganon bang libro?"nagtatakang tanong niya. Napailing na lang ako dahil mukang wala nga talaga siya nang ganong libro. Kung ganoon saan nanggaling ang librong yon?muli niyang ginulo ang buhok ko. Siguro nawiwirdohan na'to sa'kin."ikaw talaga,mukang nadadala ka na sa mga librong sinusulat ko ah.Tara na pasok na tayo sa loob dahil masyado ng lumalalim ang gabi"aniya. Tumango na lang ako, kinuha namin ang dalawang tasa at platito na pinaglagyan ng kamote at kape bago pumasok sa loob.

Niligpit na muna namin yon bago pumanik sa taas."Thanks sister"aniya ng makarating kami sa tapat ng kwarto ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya.

"Thank you brother"nakangiti kong sabi. Kumalas na ako sa pagyakap at nagpaalam na rin siya pag tapos non. Pumasok na ako sa loob at nahiga na sa kama. Inalarm ko ang cellphone ko ng alas diyes, uuwi na rin ako bukas sa apartment ko dahil tapos na ang day off. Pinikit ko na ang mata ko nakatulog na rin ako agad dahil sa antok.

KINABUKASAN nagising na lang ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko,pinatay ko 'yon. Umupo ako sa kama at ininom ang tubig na nasa gilid ng kama ko. Bumangon na ako pag tapos non.

Gumayak na ako dahil sunday ngayon, magiging mahaba ang biyahe papuntang maynila dahil sa traffic. Bukas pa ang pasok ko pero ngayon na ako uuwi, dahil sigurang pagod na ako sa biyahe mas lalo pa akong mapapagod sa trabaho.

Nang matapos ako ay bumaba na ako dala dala ang mga gamit ko. Naabutan ko sila sa kusina, naghahanda sila na sila ng tanghalian dahil sigurado nakapag almusal na sila kanina.

"Good morning,"masigla kong bati sa kanila. Napahinto naman sila sa ginagawa nila at nagulat na lang ako dahil lahat sila lumapit sakin at niyakap nila ako."anong meron ha?"natatawang sabi ko.

"Mamimiss ka namin,"sabay sabay nilang sabi."bumalik ka rito agad ha,ipapasundo ka ulit namin sa kuya mo para siguradong makakapunta ka"ani ni mama. Napangiti na lang ako at niyakap sila ayaw na ayaw talaga nila nang nawawala'y ako sa kanila.

"Babalik po ako kaagad pangako,"wika ko. Inalalayan pa nila ako paupo sa lamesa saka kami sabay sabay na kumain. Ganon pa rin napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag hanggang sa matapos kami.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now