Kabanata 11

50 9 0
                                    


Book Cover by: SenyorIgnacio
Salamat muli Ginoo!

Whizelle Sun POV

"LUH, asa ka!" kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ni Mik. Mukhang hindi niya ata naintindihan ang sinabi ko o hindi niya alam kung bakit ganon ang naging sagot ko sa kaniya.

Alam kong mali yon dahil gusto niya lang naman akong tulungan sa paghahain ng mga pag kain, pero iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa kaniya.

"L-luh, a-asa ka?" hindi niya masabi iyon masabi ng maayos dahil mukhang hindi siya sanay mag tagalog. Natawa ako ng mahina dahil don kaya napakunot na kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

Narinig din namin ang mahinang pag tawa ni Alex sa likod kaya napatingin kami sa kaniya. Pagkaharap namin ay agad na sumeryoso ang mukha niya. Kala niya naman kinagwapo niya ang pagiging seryoso niya. Sabay namin siya inirapan ni Mik at tsaka dumiretso sa kusina kung saan namin kukunin ang mga pagkain.

Walang katulong dito sa bahay at kaming apat lang nila Alex ang narito. Si Jerome ang nagsasalin ng Bulalo na niluto niya sa malaking lagayan. Habang ako naman ay sa kanin.

"Ako na riyan, maupo ka na roon" inagaw sakin ni Alex ang sandok na hawak ko at siya na ang sumandok ng kanin kahit hindi pa naman ako pumapayag. Bago maupo at nakita kong kumukuha ng mga plato at baso si Mik tutulungan ko na dapat siya ng mag salita siya.

"Alex can you help me? please" nalang ako sa gilid dahil sa maarte niyang pagkakasabi non. Lumapit na ako sa kaniya para ako na ang tutulong sa kaniya dahil may ginagawa si Alex. Nginitian ko na lang siya. Ramdam kong hindi niya gusto ang ginawa pero wala siyang magagawa dahil ako ang jowa.

"BINIBINI ko pansinin mo na ako," matapos naming kumain kanina ay walang tigil na ang pangungulit sakin nito ni Alex. Nakaupo kami ngayon dito sa kama. Naririndi na ako sa paulit ulit niyang paghingin ng tawad.

Nandito na ulit ako sa kwarto na gagamit ko kasama ang loko na 'to. Nasa kabilang kwarto si Mik. Ayaw niya pa ngang pumayag na matulog doon dahil gustong niyang kasama si Alex sa kwarto. Pero wala siyang magagawa dahil ayaw ni Alex na kasama siya. Kaya eto ako ang kasama niyang ngayon at nagngangangawa kanina pa.

"Doon ka na sa honey mo," oo alam ko yon dahil 'yon lang ang naintindihan ko habang nagsasalita sila ng spanish. Pa-honey honey pang nalalaman yung Mik na yon. Sa bagay mukha naman siyang bubuyog na acne.

"Sorry na po," pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bewang dahil mahigpit siyang nakayakap sa akin. "ikaw lang naman ang mahal ko eh" hindi ko siya pinansin dahil mukhang dinadaan daan na naman niya ako sa mga pa ganyan niya.

"Binibini ko?" pangungulit niya pa rin. Wala siyang pakialam kahit na hindi ko siya pansinin. Wala akong balak na pansinin siya habang hindi niya pinapaliwanag sakin kung bakit 'honey' ang  tawag ka niya ng babaeng yon.

"Ano bang kailangan kong gawin, para mapatawag mo na ako?" sa totoo lang gusto ko na siya pansinin dahil hindi ko kayang ganito kaming dalawa. "Binibini ko?" ayan na naman siya eh!

"Hmm?" sagot ng hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Nadadala na lang ako lagi pag ganyan ang tinatawag niya sakin. Nakakarupok!

"Sorry na po," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi "gusto kong tandaan mo na ikaw ang mahal ko," hinalika naman niya ako sa kabilang pisngi. Impit akong kinikilig dito dahil sa ginagawa niya. "bati na ba tayo?".

Silong (Completed)Where stories live. Discover now