Kabanata 27

23 3 1
                                    

S I L O N G
Ang huling Kabanata
(Pahina 156 - 182)

Filipinas 1899


Makalipas ang tatlong taon.....

Isinilang ni Roselita ang isang lalaking sanggol. Mahigpit na nakahawak sa kamay niya ang asawang si Marco. Nagagalak ito dahil sa pagkakataon na ito ay masisilayan na nila ang kanilang unang anak. Matagal nila itong hiniling--lalo na ni Marco dahil kahit anong pilit niya noong ikasal sila nila ni Roselita ay hindi pumapayag ang babae.

Para kay Roselita ay hindi ito nararapat ngunit kailangan dahil baka kumalat ang usap usapan na nagaya siya sa kaniyang kapatid na si Milagros na sinumpa raw dahil hindi nito magawang magbuntis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang kapatid simula nang malaman nito na ikinasal silang dalawa ni Marco.

Sapilitang dinala ng mga tauhan ng dalawang Don si Roselita. Lingid sa kaalaman niya na may masamang plano ang kaniyang ama na si Don Rolando. Pilit siyang nagpupumiglas at nagsisisigaw sa kawalan ngunit madilim na, tulog na sa karamihan ang tao sa paligid.

"Tulong!" sigaw ni Roselita. Agad naman binusalanan ng isang tauhan ang kaniyang bibig upang hindi na ito makasigaw. Dumaan sila sa kagubatan upang walang makakita sa kanila. Patungo sila sa maliit na simbahan sa San Garcia. Maliit ito kumpara sa simbahan ng bayan.

Dito ginaganap ang biglaang mga kasal katulad na lang ng plano ngayon ng dalawang don. Nais nilang makasal ang kanilang ang anak sa lalong madaling panaho dahil kailangan nila ang kapangyarihan ng bawat isa para mas lalo silang lumakas sa pamahalaan

Napatigil sa pagpupumiglas si Roselita nang makita niya sa kabilang banda ang isang lalaki. Hawak din siya ng mga tauhan ng dalawang don ngunit hindi siya kumakawala katulad nang ginagawa ni Roselita. Inaninag ng dalaga kung sino ang lalaking iyon. Hindi nito mamukhaan sa malayo dahil madilim na pero agad na napakunot ang kaniyang noo nang makilala niya ang lalaki.

"M-marco?" saad nito sa isip dahil nakabusal pa rin ang kaniyang bibig. Hindi pa siya sigurado dahil baka namamalikmata lang siya ng nakikita. Pero nang magkalapit sila sa isa't isa ay agad siyang naguluhan. Tinanggal ng isang tauhang ang nakatakip sa bibig ng dalaga. "a-anong ginagawa mo rito?" walang muwang na tanong ng dalaga habang nakatingin sa kasintahan ng kaniyang kapatid pero sa halip na sumagot ang lalaki.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now