Kabanata 7

52 11 2
                                    

Whizelle Sun POV

"Whiz?" rinig kong sabi ng nasa harapan ko. "Okay ka lang ba? yung bibig mo kasi ano---" hindi na nya natuloy pa ang sasabihin, dahil mabilis na sinalo ng kamay nya ang labi ko dahil patulo na pala ang laway ko. GOSH! Doon lang ako natauhan!

Imahinasyon ko lang ba ang lahat ng 'yon? Hindi totoo ang lahat? Nakakahiya!!

"Nag k-kiss ba tayo?" Tinanong ko pa rin kahit alam ko na ang totoo. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya siguradong wala ngang nangyaring ganon. "Ahmm," hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nag-isip ako ng pwedeng sabihin para makalusot ako sa kahihiyang ginagawa.

Hindi ako makatingin sa kaniya habang nginangatngat ko ang kuko ko. Ito ang lagi kong ginagawa pag nagiisip ako. 'Alam ko na!' Parang may umilaw na bumbilya sa may golid ng ulo ko ng makaisip ako ng dahilan.

"Tinatawag na---"

"Do you want to kiss me?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan yon.

"W-what?"

"Just say, I'll give it to you" ang kaninang nakakahawang ngiti niya ay napalitan na yon ngayon ng makalokong ngisi. Magsasalita na dapat ako kaso mas hindi ko inaasahan ang ginawa niya!

HINALIKAN NIYA AKO!!!!

"A-aba lakas din naman ng amats mo noh! Nagtanong lang naman ako..." Buti na lang dumating na si manang kaya hindi ko na natuloy ang nakakahiyang sitwasyon namin na 'yon.

Kinuha ko na ang akin bago ako ulit humarap kay Alex "S-salamat" wika ko.

"For what? For the kiss or for the food?"

'Aba anyabang neto ha!' Gusto kong sabihin yan pero hindi ko magawa!
Teka bibigyan ko sya ng malupitang sagot.

"Both, Thank you for the food and kiss,"ako naman ang nagbigay sa kaniya ng makalokong ngisi. "Kahit wala na 'tong food, dahil yung halik mo pa lang pagkain na, nabusog ako don" sabi ko sabay kindat bago ako tumalikod, pero nakita kong bumuka ang kaniyang bibig at parang may sinasabi itong hindi ko maintindihan. Hindi ko na lang pinansin yon at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

HABANG papunta ako sa mga kasamahan ko para sa kanila na lang ako sasabay kumain. Hindi ko mapigilan mapatalon sa kilig habang hawak ko ang labi ko.

'Ang aking imahinasyon lamang ay nagkatotoo!'

Hindi na ako magsisinungaling pa dahil totoong nagustuhan ko 'yon. Napahinto ako sa paglalakad ng may ma-realize ako. Parang may mali! Si Alex ba talaga ang kasama ko kanina?
Baka ibang personality niya lang 'yon?OMYYYY!

KINAHAPUNAN pauwi na ako dahil out ko na. Nandito ako ngayon sa parking lot. Nung nasa hanapan na ako ng kotse ko kinuha ko ang Car key sa loob ng bag ko. Bago ko pa man mabuksan ang pinto na.

May naramdaman akong malamig na bakal na tumama sa batok ko! Mahilo hilo akong humarap sa humapas sakin non. Pero hindi ko na masyado maaninag ang muka niya dahil sa dahil sa ilaw sa likod niya at hilong hilo na rin ako.

Bago ko man ako mawalan ng malay hindi ko alam dahil pumasok sya agad sa isipan ko. Isa lang ang hiling ko ng mga oras na yon. 'Sana tulungan mo ako' tuluyan na akong nawalan ng malay pag tapos ko sabihin yon sa aking isipan.

Alex Cruz POV

PAPUNTA ako ngayon sa company namin. Ngayon araw gaganapin ang board meeting. Kung saan ipapakilala ako ng aking lola bilang bise presidente sa lahat ng nagtatrabaho doon.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now