Kabanata 4

67 13 0
                                    

Whizelle Sun POV

NANDITO ako ngayon sa opisina ni Dr. Roman.Sinabi niya kasi sakin na pasyente niya topak ang na yon.Pumunta ako dito para sabihin sa kaniya ang nangyari kanina.Kung paano niya ako hindi nakilala?.

Sinabi na rin sakin ni Dr. Roman kanina habang tulog si topak sa kwarto,sinabi niya ang lahat tungkol sa sakit ni topak.

Pagdating namin sa hospital tinawag ko agad ang ibang nurse na lalaki upang tulungan ako sa pagbubuhat dito kay topak.Hindi ko naman alam na ganon pala kalala ang takot niya sa dugo na umaabot sa puntong mahihimatay siya.

Nilinis ko ang sugat na tinamo niya sa kaniyang noo.Medyo malaki ang sugat at kinailangan tahiin yon.Pag-tapos ko gamutin at tahiin yon ay dinala na siya sa kaniyang kwarto, habang papunta kami roon na kasalubong ko si Dr. Roman tumungin muna siya kay topak bago tumingin sakin.

"Kilala mo siya?" tanong niya habang papalapit sakin, nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa kwarto ni topak.

"Ahh hindi po ngayon ko lang po siya nakilala"nangmakarating kami don,pumasok na kami, inihiga siya sa kama para magkapag-pahinga, umupo kami sa bench,sa may gilid ng kwarto malapit sa higaan niya bago kami magpatuloy sa kwentuhan.

"Pasyente ko siya"napatingin agad ako sa kaniya ng sabihin niya yon.Magkakilala sila? At bakit may sakit ba tong topak na to?kung meron man anong sakit niya?.

"H-ho?may sakit po ba siya?ano pong sakit niya?"itinanong ko na dahil gusto ko na din masagot ang mga tanong sa isip ko.

"Yes, meron siyang Dissociative Identity Disorder(DID) or multiple personality in he's case,he have another five personality.Yung nakasalamuha mo kanina,kung hindi ako nagkakamali siya si Blaze,right?The BADBOY"paliwanag niya sakin habang nakatingin siya sa walng malay na si topak.

Naguluhan ako sa mga sinabi niya.Paano nangyari yon eh isa lang pa lang naman ang nakakasalumuha ko?.Kaya hindi ko agad magawang maniwala at kung totoo man yon, ibig sabihin hindi si Blaze ang may-ari ng katawan na yan.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now