Kabanata 28

24 2 6
                                    

"ATE Roselita!" sigaw ni Whiz nang magising siya sa masamang panaginip. Nababasa ng pawis ang kaniyang katawan, habol niya ang kaniyang paghinga na animo'y malalagutan na ng buhay. Nasa loob siya ngayon ng kwarto nila ni Alex. Napatingin siya sa kaniyang kanan nang may humawak sa kaniyang kamay "M-marco?"

Tinggal niya agad ang kaniyang kamay sa pagkakahawak nito. Napapailing siyang nakatingin kay Alex. Naaalala na niya ngayon ang lahat ng nangyari sa nakaraan sa pamamagitan ng librong ng Silong. Dali dali siyang tumayo upang makalayo kay Alex na napatigil dahil sa pagtawag sa kaniya niya nito sa pangalang Marco.

"B-binibini ko," seryosong wika nito na para bang nagmamakaawa ito na kausapin siya ng dalaga. Hindi alam ni Whiz dahil sa pagkakataon na yon ay hindi niya naramdaman ang kakaibang kilig sa tuwing tinatawag siya nang ganon ni Alex. Hindi siya makapaniwala na sa tagal nilang magkasama ay hindi niya naisip na ang karakter na binabasa niya sa libro at ang lalaking dapat na kaniyang papakasalan ay nasa harapan niya muli.

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Whiz habang nakatingin sa mata ni Alex. "Bakit hindi mo sakin sinabi agad?! edi sana pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sayo, hindi sana mangyayari ulit ang nakasulat sa kwento. Sana ay hindi na lang kita nakilala ulit!" nanlilisik ang kaniyang mata. Natatandaan na niya na kung paano siya binaboy ni Marco noon.

"H-hindi mo na ako mahal?" tanong nito. Napayuko ang binata dahil hindi niya kakayanin kung sakaling sagutin ito ni Whiz. "P-patawad... patawad sa lahat ng nagawa ko sa 'yo" nag-uunahan sa pag-agos ang kaniyang luha. Inaakala niya na sa buhay na ito ay mapapatawad na siya ng kaniyang totoong mahal.

Hindi niya sinabi sa dalaga ang lahat ng ito dahil ang akala niya ay magagawa nilang baguhin ang nakasulat sa libro ngunit nagkamali siya. Huli na ang lahat at wala na silang pamimiliin kundi harapin ang kahihinatnan ang lahat nito. Sa pagkakataon na ito ay hindi dapat sundin ang puso dahil mas mahalagang sundin ang isip.

"Hindi ba't si Ate Roselita ang pinili mo? bakit ka nagkakaganyan ngayon? dahil ba sa nangyari noong unang kwento kaya ako ang pinili mo sa buhay na ito?!" nanggagalaiti si Whiz. Gusto niyang gantihan si Marco sa lahat ng karumal dumal na ginawa nito sa kaniya. Hindi niya matanggap ang lahat ng iyon.

"Ikaw ang mahal ko" diretsong saad ni Alex. Tinignan niya sa mata si Whiz upang sabihin dito na sinsero siya sa kaniyang sinasabi. Napatulala ang dalaga dahil sa narinig "nagpakasal ako kay Roselita hindi dahil mahal ko siya, kundi kailangan" pagtatapat nito. Totoo ang lahat ng kaniyang sinabi at galing ito sa kaibuturan ng kaniyang puso pero nginisian lang siya ng dalaga.

"Sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo akong muli? Hindi! dahil sapat na sa aki--"

"Pinakasalan ko siyang dahil nanganganib si Ama sa pamahalaan. Bumagsak ang aming mga negosyo. Namatay si Ina at ang kapatid ko na si Markus dahil sa iyong Ama!" napatigil ang dalaga dahil sa narinig "Tinambangan sila ng tauhan ng iyong Ama at nangyari iyon noong maputol ang kasunduang kasal nating dalawa.

"Nakita namin ang katawan nila sa gubat, puno ng dugo. Gusto ng tatay mo na maging isa ang pamilya natin kahit na hindi na natuloy ang kasal nating dalawa" nanatiling gulat ang mukha ng dalaga, hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng binata.

Silong (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن