√ Kabanata 2 √

121 17 18
                                    

Whizelle Sun POV

NAG-LALAKAD ako ngayon sa kahabaan ng kalsada samu't saring ingay ng na nanggagaling sa mga sasakyan, usok ng tambucho, maalikabok na sahig. Ngunit ngayon ay bumawi ang ganda ng kalangitan. Tanghali na pero hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.

Papasok ako ngayon sa trabaho sa Paurie Medical Hospital (PMH) ito ang pinaka sikat na hospital dito sa maynila. Isa akong psychiatrict doktor and almost six years na rin akong nagtatrabaho roon. As usual marami na kong naging pasyente at sa lahat ng yon ay walang namatay. Lahat sila gumaling dahil sa tulong naming mga doktor, may mga times pa nga na iniisip na lang nilang mamatay kesa mabuhay.

Kasi ang akala nila ay hindi na sila tatagal pa---hindi nila makakayanan ang sakit na dala nila. Pero nagbabago ang pananaw nila sa tuwing nakakakita ng mga taong gumagaling sa sakit na yon.

Marahan lamang ang aking pag-lalakad dahil iniingatan ko ang aking puting puti na uniform dahil baka marumihan pa ito. Mukha naman kasing pang white lady tong uniform na 'to dahil sa puti.

Nakikita ko sa gilid nang aking mata ang isang lalaking nakasakay sa kotse, hindi ko kung nakatingin ba ito sa akin, titingin na sana ako sa lalaking iyon.

"Wah!" sigaw ko sa batang lalaki na bumangga sakin. Meron siyang dala dalang ice cream na kumalat sa uniform ko. Hindi ko alam pero umiyak ng malakas ang bata, hindi ko naman kasi sinasadya na mapasigaw eh "Wah! isang libo't isang tuwa buong bansa Eat Bulaga" panggugulat ko sa kaniya upang hindi niya isipin na sinisigawan ko siya. Infainess ang taas ng tono ng theme song nila ha.

Pero mas lalong umiyak ang batang lalaki, nagiging aligaga ako dahil ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Oh baka naman showtime ang pinapanood niya kaya siya umiyak "Papapa papa Rapa papapa..." kanta ko with matching wagayway pa ng kamay ko sa ere. Tumahan na ang bata pero hindi pa rin ito tumatawa kaya nag-isip ako ulit.

"Johnny johnny?" panimula ko. Inaantay ko ang sagot netong batang 'to pero nakatingin lang siya sakin at mukhang nagpipigil ng tawa. Aba mukhang napapahiya ako rito ah. "Gusto mo ulit ng Ice Cream?" siguro naman ay magagawa niya ng sumagot dahil may sinusuhulan ko na siya. Hindi ko na inantay pa ang sagot niya at hinanap ko na si kuyang sorbetero na nagtitinda ng ice cream.

Napatingin din ako doon sa direksyon kung saan nahagilap ng mata ko ang lalaki kanina pero wala ito doon. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ng batang lalaki upang ibili na ng ice cream.

"Yes papa" napatingin ako sa batang lalaki na nakatingin at nakangiti na ito sa akin ngayon kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin sa kaniya pabalik.

"GOOD morning Ma'am Whiz" bati sakin ng isang lalaking intern kakarating ko lang dito sa hospital at mukhang breaktime ngayon ng mga intern. "Good Morning" sagot ko sa kanya at kitang kita sa mukha niya na hindi siya makapaniwala na binati ko siya.

Kilala kasi akong istriktang doctor dito sa hospital dahil pag oras ng trabaho trabaho lang dapat, lalo na kung may emergency na nangyayari. Minsan na papatulala na lang sila sa kagandahan ko sa oras ng trabaho katulad na lang ng mga 'to.

"Hi Ma'am"

"Ang Ganda talaga ni Ma'am no"

"Hindi lang maganda magaling din siyang doctor"

"Sana maging katulad din natin siya"

"May boyfriend na kaya siya?"

Silong (Completed)Where stories live. Discover now