Kabanata 21

18 2 0
                                    

S I L O N G
Ikalimang Kabanata
(Pahina 87 - 104)

Filipinas 1896

MASAYANG sinalubong ng mga tagapagsilbi ang panauhin. Nagagalak ang bawat isa na paanyayahan isang lalaki na nasa dalawampu't dalawa ang edad. Bakas sa kaniyang paglalakad ang kaniyang propesyon. Pagkapasok nito sa loob ay nakita niyang nag iintay sa kaniya roon ang mag-asawang Luna.

"Mabuti at nakarating ka ng matiwasay, hijo," masayang saad ni Doña Guevarra. Nakipagbeso ito sa binata habang si Don Rolando ay masaya silang pinagmamasdan. Anak na rin kung ituring nila si Aldrin. Simula noong limang taong gulang ay kaibigan na niyo si ang panganay nilang anak na si Romilo.

Kilalang maalalahanin at mapagmahal na anak si Aldrin para sa kaniyang pamilya. Dapat ay ito ang ipapakasal nila sa anak nilang si Milagros ngunit dahil ganid ang ama nito sa yaman na kadalasan ay kakumpetensya ng kanilang pamilya sa pagkuha ng mga ari arian sa pamahalaan. Ngunit kahit ganon ay hindi nagbago ang tingin nila kay Aldrin lalong lalo na sa kapatid nitong si Angeli.

"Manang Chela," tawag nito sa Mayor doma ng kanilang pamilya. Agad naman itong lumapit sa kanila ay nagbigay galang "pakitawag na ho si Angeli at Milagros sa itaas, pakisabi ay naritona si Aldrin" mahinahon na uto ng Doña, walang bahid ng pangungutya ang boses nito.Yumuko ang matanda at naglakad papakyat ng hagdan para puntahan ang dalawang dalaga na nakatayo sa balkonahe.

"Kumusta ka na hijo?" tanong ni Don Rolando habang naglalakad sila papunta sa upuan "ngayon na lang muli tayong nagkita mula ng pumunta ako ng europa, mabuti at napadalaw ka" nakangiting ani nito. Napangiti naman ang binata dahil sa giliw ng doon. Mula pagkabata ay malapit na sila sa isa't isa na siyang dahilan kaya hindi na siya nakakaramdam pa ng hiya.

"Mabuti naman po. Masyado pong marami ang gawain sa maynila" panimula nito. Napaupi sila sa upuan na nang makarating sila roon "abala po kami sa pagsasanay ng hukbo" patuloy nito. Nakatindi pa rin siya ng diretso kahit sila ay nakaupo na, animo'y hindi maaaring kumuba ang kanilang likod. Maq lumilitaw ang kaniyang kagwapuhan dahil sa puting unipormeng pang heneral nito.

Dumating ang ibang kasambay na pasimpleng tumitingin sa binata habang inilalapag ang dala nitong biko. Hindi niya inaasahan na sa paglapag ng tsaa na hawak niya ay bigla niya itong nabitawan at bumaksak sa sahig na dahilan ng pagkabasag nito, nakuha niya ang atensyo ng tatlo.

"Hijo ayos ka lang ba?" tanong ng doña sa binata dahil malapit sa kinauupuan nito kung saan nabasag ang tasa. Napatango naman ang binata tsaka napatingin sa talaga pagsilbi. Nakayuko na ito dahil na rin sa takot na mapagalitan ng amo "pakilinis na lang yan at ayoko ng mauulit iyong muli" dismayadong saad nito. Yumukod ang tagapagsilbi sa sahig upang kunin na sana ang piraso ng basag na tasa ngunit naunaha siya ni Aldrin.

"Ako na rito dahil ika'y magkagalos pa" nginitian nito ang tagapagsilbi dahilan para matulala ito dahil sa ginawa ng binata, namula ang pisngi nito kaya dadali ito tumayo at nagbigay galang bago tumakbo paalis. Pinipigalan ng mag-asawa ang binata na hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil lilinisin naman ito ng mga tagapagsilbi pero hindi ito na tinag dahil mas gusto niyang gawin iyon kesa babae ang gumawa non.

Ayon sa kaniyang ay mas malakas ang mga lalaki at hindi iindahin ang anumang sugat na maaaring matamo dahil sa basag na tasa. Dumanak man ang kanilang dugo basta wag lang ang mga kababaihan. Pinahahalagan ng binata ang mga kababaihan lalo na ang taong minamahal niya ng lubos.

"Kuya!" masiglang bati ni Angeli nang makababa sila ng hagdan ni Milagros. Dali dali itong tumakbo papunta sa kaniyang kuya at agad itong niyakap. Hindi mo iisipin na sila ang unang nagkita ng umuwi si Angeli dito sa filipinas dahil ikinilos nito "gawin mo na ang lahat ng makakaya mo ha, alam kong ito na ang matagal mo iniintay" bulong nito sa kuya niya. Sila lamang ang nagkakaintindihan dahil mahina ang pagkakasabi nito.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now