Kabanata 19

14 2 0
                                    

S I L O N G
Ikaapat Kabanata
(Pahina 63 - 86)

Filipinas 1896


MADILIM na ang paligid, liwanag sa mga kabahayan na lang ang nagsisilbing ilaw ng mga tao. Sakay ng kalesa na mabilid ang pagtakbo sakay ang isang binata at dalaga patungo sa isang teatro na pagmamay-ari ng isang maliit na lalaki, medyo umbok ang kaniyang tiyan, at sa tuwing kausap mo ito ay hindi ka malulumbay.

Dalawang dangkal ang layo ng dalawa sa loob ng kalesa. Nakapatong ang kamay ng Milagros sa kaniyang saya, habang ang kamay naman ng kaniyang kasintahan ay naglalakbay patungo rito. Nang maabot niya ito ay parang may boltahe ng kuryente na naramdaman si Milagros kaya hindi tuluyang nahawakan ni Marco ang kaniyang kamay.

Napaiwas agad ng tingin ang binata dahil sa padaloy daloy na kilos. Kumabog na ang dibdib ni Milagros dahil hindi niya alam ang gagawin. Nasa isip nito na baka nagalit ang binata sa kaniya dahil sa pag-iwas ng kaniyang kamay. Kaya siya na naman ang gumawa ng paraan.

Pinaglandas niya ang kaniyang kamay sa kamay ng binata na nakalagay sa hita nito. Alam niyang mapusok ang kaniyang gagawin ngunit ayaw niya naman na hindi sila magpansinan hanggang mamaya. Napatingin ang binata sa kanitang kamay nang maramdaman niya ang isang mainit na palad doon.

Nakita niyang kamay ng kaniyang kasintahang babae. Napatingin siya rito ngunit ang mukha ng dalaga ay natatakpan ng dala nitong pulang abaniko upang hindi makita ni Marco ang nangangamatis niyang mukha. Sumilay ang ngiti ng binata dahil sa saya na nararamdaman na nagmumula sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalaga. Naroon ang kislap sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa kasintahan. Hindi niya naisip na ganitong babae ang magmamahal sa kaniya na kahit sinabihan niya ng masasakit na salita ay nanatili ito sa kaniyang tabi.

Nang makarating sila sa labas ng teatro ay agad na naunang bumaba si Marco upang alalayan ang kaniyang binibini ngunit bago niya ilahad ang kaniyang palad ay tinanggal niya ang suot na kulay itim na sumbrelo at itinapat iyon sa kaniyang dibdib.

"Magandang gabi muli aking Binibini" pangalawang beses na itong binanggit ni Marco kay Milagros. Ang isa ay noong sunduin siya nito sa hacienda Luna at ang isa naman ay ngayon. Kaya napakunot ang noo ng dalaga at mahinang natawa dahil sa pinapakita ng kaniyang mapapangasawa.

Pagtapos noon ay inalahad na ng binata ang kaniyang palad sa tapat ni Milagros. Agad din naman itong tinanggap ng walang pagaalinlangan. Nang tuluyan makababa ang dalaga mula sa kalesa ay lumadlad ang kaniyang suot na magarbong puting baro at dilaw na saya na napapalibutan ng binurdang bulaklak ng mirasol (Sunflower).

Iginaya ni Marco ang kaniyang braso, natingin naman don si Milagros. Tinignan niya muna ang binata bago kinawit ang kaniyang braso. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang labi habang nalalakad papasok sa loob ng tearto. Kakaunti lamang ang maaaring pumasok doon dahil limatado lang ang upuan.

Sinalubong sila ni Maestro Abinales ng may ngiti sa labi. Siya ang may ari ng buong teatro. Mas lumawak ang kaniyang ngiti nang mapansin niya ang braso ng magkasintahan.

"Magandang Gabi, Ginoo at Binibining Garcia" kilala itong mapagbiro, natawa silang dalawa ni marco sa kaniyang biro ng matanda. Habang si milagro ay mas namula ang pisngi dahil sa sinabi nito. Hindi pa man sila mag-asawa ng kaniyang katabi pero Garcia na agad ang itinawag sa kaniya na siyang apelyido ng lalaki.

Tinignan ni Maestro Abinales bago sila samahan sa kanilang upuan. Napatingin si Marco sa dalaga nang maramdaman nito na pinipisil ng dalaga ang kaniyang braso. Nababalot ng kaba si Milagros dahil hindi siya sana sa ganito. Tinanguan at nginitian naman siya nang binata upang sabihin dito na wag mabahala.

Silong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon