Kabanata 26

20 1 6
                                    

NAGUGULUHAN ko silang tinignan. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan. Paanong naging ganon? tama ba ang narinig ko? nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang apat. Bakit ngayon ko lang nalaman! Dapat dati ko pa inalam ang lahat ng ito. Napailing na lang ako dahil sa desisyon kong iyon.

"Anak..." saad ni Tito Porie na ikinatahimik ng lahat. Nagbago ang ekspresyon nilang lahat nang tignan nila si Tito. Anak? Ako ba ang tinutukoy nila? "H-hindi niyo pa ba..." kusa siyang huminto sa pagsasalita dahil sa itsura ng mga mukha namin. Napatingin siya sakin. Nakita ko ang saya sa mukha niya.

"A-anak? ako ho?" nauutal kong saad habang tinuro ang sarili ko. Pilit akong natawa dahil sa narinig ko. Imposible. "si Alely ho ang anak niy--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil seryoso ang mga mukha nila.

"Kapatid mo si Alely," diretsong saad ni papa habang nakatingin sa mata ko. Napapailing na lang ako dahil sa mga sinasabi nila "matagal na dapat namin itong sinabi sayo pero ayaw mo pang malaman" napatingin siya sa pamilya ni Alely. Na siya 'raw' totoong pamilya ko "S-sila ang magulang mo" hindi na siya makatingin sakin ngayon.

Napatingin ako kay Tita Amy at Tito Porie. Hindi ako makapaniwala na ang hinahanap naming kapatid ni Alely ay ako. Pero paanong hindi nila sinabi sa akin ang lahat ng ito? hindi pa rin ako makapaniwal. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang sumakit iyon.

"Whiz!" saad nila. Agad silang pumunta sakin at inalalayan ako. Hindi naman gaanong masakit kaya agad na nawala iyon. Napatingin ako sa kanilang lahat habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Bakit ganito? Kapatid ko si Alely. Masaya akong nalaman na kapatid ko siya pero huli na ang lahat dahil wala na siya. Ito ba ang tinutukoy niyang kailangan na malaman ko?

"K-kayo ang magulang ko?" tanong ko para masiguradong totoo nga iyon. Nagkatinginan pa silang mag-asawa bago ibalik ang tingin sa akin. Unti unti tumulo ang luha ko nang marahan silang tumango bilang tugon. Lumapit sila sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang mainit na yakap ng magulang ko.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Alam kong may pagkukulang sila pero hindi ko na dapat isipin yon dahil alam kong mahirap din para sa kanila na ibigay ako sa iba. Alam kong may sapat silang dahilan para gawin iyon. At nais kong malaman yon sa oras na bumalik na ang lakas ko.

MASAYA kaming bumaba ng sasakyan. Kasama ko ang magulang ko at bitbit ko sa aking bisig ang aking kapatid na sanggol. Si Allyne. Nakangiti ko siyang pinagmamadan habang papunta kami sa kinaroroonan ng aming kapatid. Alam ko na ang lahat, malinaw na sakin na sila talaga ang tunay kong magulang.

Naiwan sa sasakyan si Alex dahil gusto niya raw na magkaroon kami ng oras. Pinakita sa akin nila mama ang katibayan na sila talaga ang tunay kong magulang. Nalaman ko rin sa kanila na si Khriz ang lalaking nakatalikod nung makita ko sila sa Mall. Hindi nila ako nakilala dahil bata pa ako nung huli nila akong makita.

Binigay nila ako sa pamilya ni Khriz dahil sa kakapusan sa pera. Nag abroad silang dalawa para makapag-ipon at babalikan nila ako pagkatapos noon. Doon din nabuo ang kapatid kong si Alely. Masaya sila dahil habang wala ako ay kasama nila ang kapatid ko. Pero hindi pala sapat iyon.

Napromote sila sa trabaho at tuluyan silang nawalan ng oras sa kapatid ko. Kaliwa't kana ang mga yon. Halos wala silang tulog dahil sa trabahong yon. Hindi nila namamalayan na hindi na nila nababantayan si Alely kaya ito nagkaroon ng sakit. Nang malaman nila yon ay agad silang umuwi sa Pilipinas upang ipagamot si Alely.

Sa bansang ito nagtatrabaho ang pinakamagaling na doktor na makakatulong sa sakit niya. At doon siya napadpad sa pinagtatrabahohan kong ospital. Hindi nila nabantayan si Alely dahil bumalik sila sa abroad upang tapusin ang kontrata pero huli na nang makabalik sila dito sa Pilipinas. Wala na ang kapatid ko.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now