Kabanata 24

26 1 14
                                    

HABANG nakatingin sa mga mata niya ay may iba akong naramdamam. Pamilyar ang mga tingin na yon. Alam kong sila ang magulang ni Alely pero may iba akong nakikita sa mga mata nila. Lalapit na sana ako sa kanilang mag-asawa nang may lumapit sa kanilang isang lalaki. Nakita kong biglang nagulat ang mukha ng mag-asawa, pabalik balik sakin at sa kausap nila ang kanilang tingin.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa nkanila. Tinignan ko ang bagong dating na lalaki. Nakatalikod ito sa akin at meron itong suot na cap dahilan upang hindi ko ito mamukhaan. May kakaiba ang nararamdaman habang nakatingin sa kanila. Hindi ko na inantay pang matapos si Jerome sa kausap niya at walang pasintabing umalis upang puntahan ang magulang ni Alely pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil biglang dumami ang tao.

"Excuse po, excuse po," kaliwa't kanan na ang mga tao. Tumingkayad ako para makita sila pero agad akong nagmadali nang makitang papaalis na sila. Kailangan ko silang maabutan at marami akong kailangan itanong sa kanila. Nakipagsiksikan na ako kahit na nababangga ko na ang iba. Wala na akong pakialam kung magalit sila basta maabutan ko ang mga magulang ni Alely.

Papalabas na sila ng Mall. Bitbit na ngayon ng tatay ni Alely ang baby na sa tingin ko ay Anak nila. Hindi ba nila ako nakilala nung makita ako? o iniiwasan nila ako? pero bakit naman nila ako iiwasan, ang pagkakaalam ko ay maayos na ang lahat pagtapos ng pagkamatay ni Alely. Palabas na sana ako ng mall ngunit napatigil ako dahil may biglang humawak sa pulso ko. 

"Saan ka ba nagpupupunta?!" galit na sigaw ni Jerome. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Hindi ba pwedeng sa pagkakataong ito ay huwag mo na akong iwan?!" napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong magsalita pero parang natuyo ang lalamunan ko at walang salitang lumalabas doon. Napahinga na lang siya ng malalim at dahan dahan tinaggal ang pagkakahawak sa pulso ko.

"S-sorry," ani ko. Alam kong mali ang ginawa kong pag-alis. At baka nga kaya siya nagagalit ay baka mapagalitan siya ni Alex sa oras na malaman niya na nawawala ako. Ano ka ba naman whiz, hindi ka nag-iisip! Nanlaki ang mata ko dahil nawala sa isip ko kung bakit nga ba ako umalis kanina. Napatingin sa direksyon kung saan sila dumaan kanina pero wala na sila doon. Napayuko na lang ako at napailing dahil balewala lang ang pagsunod ko.

"Umuwi na tayo," napatango na lang ako kay jerome. Akala ko ay makakausap ko na sila. Pero sino ang isa pa nilang kasama? at bakit bigla silang nagulat noong dumating ito. Hanggang pag-uwi ay wala akong imik. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa halos buong araw na pamimili. Dumiretso na lang ako sa kwarto at as usual wala pa si Alex. Nahiga na lang ako sa kama hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"B-BABE," bulong ko kay Alex. Nandito na kaming muli sa opisina niya at pinanindigan ko talaga ang trabaho ko. Ang titigan siya. Lumingon naman siya sakin at tinanong ako kung bakit "pwede ba akong umuwi muna sa pamilya ko?" sinarado naman niya agad ang binabasa at diretsong tumingin sakin.

"Bakit naman?" tanong niya sakin habang magkasalubong ang kilay niya. Kailangan ko bang ituloy to dahil mukhang hindi naman niya ako papayagan. Napailing na lang ako at sinabing kalimutan na lang niya iyon. "sasabihin mo lang naman kung bakit, babe, papayagan naman kita" ngiti nito. Napabalik ako ang tingin ko sa kaniya at tinignan kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"W-wala, namimiss ko lang sila," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay may gusto akong itanong sa kaniya. Ang tanong na matagal ko na dapat tinanong. Sa tingin ko ay ito na ang panahon upang malaman ko iyon. Alam ko ako ang nagsabi sa kanila na huwag na muna nilang sabihin dahil baka hindi ko lang iyon maintindihan, pero ngayon, sa tingin ko ay handa na ako.

"Okay," pagkasabi niya non ay bigla akong napatayo at niyakap siya ng mahigpit "sa isang kondisyon," lumuwag angt pagkakayakap ko sa kaniya. Hindi na talaga siya nagbigay ng pabor ng libre, lagi na lang may kondisyon. Sininghalan ko siya at tinanong kung ano iyon pero bigla na lang siyang ngumuso "kiss" hinapas ko na lang ang labi niya at muling umupo sa kinauupuan ko.

Silong (Completed)Where stories live. Discover now