√ Kabanata 1 √

167 20 20
                                    

Alex Cruz POV

"WAG ka munang umalis laro muna tayo"ani ng batang babae. Nasa loob sila ng isang kwarto sa ibaba ng mansiyon, kasama ang isang batang lalaki na ka-edad lamang niya.

"Wag kang mag-alala babalik ako, alam mo naman na hindi ako pwedeng makita ni Ama rito, dahil paniguradong mapaparusahan ka na naman niya," tugon ng batang lalaki. Kitang kita sa itsura nito na ayaw niyang iwan ang batang babae dahil hindi niya gustong mapag-isa ito roon at higit sa lahat ay nag-eejoy siya sa tuwing naglalaro sila.

Awang awa ang batang lalaki sa batang babae dahil wala siyang magawa tuwing pinagbubuhatan ng kaniyang ama ang batang babae. Ito ang palaging napaparusahan ng Ama ng batang lalaki sa tuwing mag kakamali siya.

"Huwag kang mag-alala dahil araw araw kitang puputahan dito sa tuwing sasapit ang alas otso ng gabi, yan ang pangako ko sayo" umaliwalas ang mukha ng batang babae ng yakapin siya nito, tila nawala lahat ng kaniyang pangamba.

Palabas na sana ng kwartong iyon ang lalaki ngunit huli na ang lahat. Nagulat na lamang silang dalawa nang kumalabog ng malakas ang pinto kung saan ang daan palabas ng kwarto. Tumambad sa harapan ng dalawang bata ang isang matandang lalaki na nasa apat-napu na ang edad nito ngunit nababakas parin sa muka nya ang kagwapuhan. Kahit na ganoon ay nakakatakot ang itsura nito dahil kitang kita ang galit mula sa mga mata nito.

"A-ama,"utal na saad ng batang lalaki. Dali daling tumakbo ang batang lalaki sa batang babae upang iharang ang kaniyang sarili sa posibleng gawin ng ama niya. Nakaluhod ang dalawang bata at parehas na pinaglapat ang kaniyang dalawang palad. Itsurang nagmamakaawa, dahil alam nilang wala na silang takas.

Yumuko ang batang lalaki at kusang tumulo ang kaniyang luha gayon na rin ang batang babae na humihikbi ng tahimik sa tabi nito "P-patawarin nyo po ako,ako na lang po ang parusahan nyo" patuloy ng batang lalaki.

"Alex"

Pero sa halip na pansinin sya nang kaniyang ama ay hinawakan nito ang pulso ng batang lalaki at hinila papalabas ng kwartong iyon. Marahas na binitawan niya ang batang lalaki ng makalabas sila. Iniwan ng matanda sa labas ang batang lalaki at muli pumasok sa loob. Hahabol pa sana siya ngunit huli na ang lahat nakasarado na ang pinto at mahirap na itong bukas pa.

"W-wag po, wag nyo po akong saktan," Rinig na rinig nya sa loob ang pag mamakaawa at ang malakas na hikbi ng batang babae "patawarin nyo po ako" patuloy nito.

Kinakatok ng batang lalaki nang malakas ang pito at pilit na binubuksan iyon ngunit walang nangyayari. Ginawa niya ang lahat upang buksan yon pero wala siyang nagawa. Napahawak na lamang sya sa kaniyang ulo ng maramdaman niyang sumasakit iyon na para bang pinupukpok ng martilyo sa sakit, dahil tila hindi na nya makayanan ang nangyayari sa paligid niya.

Ngunit hindi niya iniisip ang kaniyang sarili dahil ang tanging nasa isip niya lang ay ang batang babae.
Napahiga na lang siya sa sahig dahil sa sakit nito at unti-unti nanlalabo ang kaniyang mata pinikit na niya iyon bago siya tuluyang mawalan ng malay ay may sinabi siya sa kaniyang sarili. 'Blaze, tulungan mo at ako iligtas natin siya'

"ALEX," rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Nararamdaman ko ang pagyugyog sa balokat ko. "Alex gising!" patuloy parin siya sa pag yugyog ng balikat ko dahil mukhang binangungot na naman ako.

Silong (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ