Kabanata 13

50 9 0
                                    

S I L O N G
Unang Kabanata
(Pahina 2 - 19)

Filipinas 1896

"MILAGROS gumising ka na...." marahang iminulat ni Milagros ang kaniyang mata, habang binubuksan naman ni Doña Guevarra ang kulay dilaw na kurtina ng kwarto. Agad iniharang ni Milagros ang kaniyang palad sa mukha dahil tumatama sa kulay tsokolate niyang mata ang sikat ng araw. "tumayo ka na ri'yan Milagros at tayo'y mag uumagahan na" saad ni Doña Guevarra bago ito lumabas sa kaniyang silid.

"Opo Ina," magalang na tugon ni Milagros. Tumayo na siya sa kaniyang kama at napatingin sa pinto ng bumukas itong muli, pumasok ang isang babae na nasa labinlimang taong gulang.

"Pahintulutan niyo po akong tulungan kayo binibini," ani nito habang medyo nakayuko ang ulo. Napangiti si Milagros dahil narito na naman sa harapan niya ang laging katuwang sa bahay.

"Oo naman, Lily," napaangat ang ulo ng tagapag-silbi, ginantihan niya ng ngiti ang dalaga bago maglakad papunta sa kinaroroonan ni Milagros upang tulungan itong magtanggal ng damit. "hintayin mo na lang ako rito," saad ni Milagros ng matanggal ang kaniyang suot.

Tumango lamang Lily habang si Milagros ay pumasok na sa palikuran. Naglakad si Lily papunta sa balkonahe kung saan makikita ang harapan ng

Hacienda Luna

Kitang kita roon ang pag pasok ng mga trabahador ng pamilya Luna na nasa limampu ito pataas. Sadyang nababakas sa pamilya Luna ang karangyaan sa buhay dahil ekta-ektaryang mga lupain ang kanilang pagmamay-ari. Nabibilang ang kanilang pamilya sa Alta Sociedad kung saan ang mga pamilyang marangya lamang sa buhay ang mga napapasama roon.

Hindi nagtagal ay lumabas na sa palikuran si Milagros nakatapis ito ng sapin sa katawan. Nakahanda na sa kama ang kaniyang suutin. Puting baro't saya, sadyang napakaganda ng disensyo nito dahil may nakaburdang Mirasol sa laylayan ng kaniyang saya.

Tinulungan ni Lily si Milagros na mag suot niyon pagkatapos ay naupo na si Milgros sa harap ng salamin, kung saan nakahanda na rin doon ang iba't ibang uri ng alahas. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Milagros dahil ngayon ang unang araw niya sa kanilang pagamutan.

Iniabot niya kay lily ang kuwintas na may disenyong buwan, habang siya naman ang nagsusuot ng hikaw sa magkabilang gilid at ang pinakahuli ay ang paynetang regalo sa kaniya ng kaniyang kuya. Dahil sa hilig niya sa bulaklak ay may disenyo rin itong Mirasol.

Nang matapos na ay humakbang na paatras si Lily at yumuko "Hintayin na lang po naman kayo sa ibaba," tinanguan siya ni Milagros sa salamin dahil nakikita niya ang repleksyon nito roon.

"Ah L-lily," napahinto ang dalaga sa paglalakad at muling humarap kay Milagros "Salamat" hindi alam ni Lily ang gagawin dahil tila kakaiba talaga ang saya ng kaniyang amo, tumango siyang muli at tuluyan ng lumabas ng kuwarto.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Lily ay nagtatalon na sa tuwa si Milagros, agad niyang hinubad ang kaniyang mga alahas at iniwan lamang ang kaniyang paynetang nakakabit sa kaniyang ulo. Tinanggal niya rin gamit ang kulay pulang panyo ang asuete na pampapula ng kaniyang labi.

Silong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon