Kabanata 10

49 9 0
                                    

Whizelle Sun POV

"ALIS na po kami, tita," paalam ni Alex sa magulang ko. Paalis na kami ngayon at papunta kami sa bahay niya dahil doon na ako magtatrabaho ngayon. Alam na rin nila Mama na umalis ako sa hospital, naiintindihan naman nila ako kaya mabilis ko silang napapayag.

Nag-usap kami ni Alex nung isang araw tungkol sa sakit niya at gusto niyang ako ang maging doktor niya. Syempre pumayag ako alangan naman iwan niya ako pagkatapos ng nangyari samin at para na rin matulungan siyang mapadali gumaling sa sakit niya.

"Whiz? tulog ka na ba?" naramdaman kong gumalaw siya at tumagilid para humarap sakin. Nakabihis pantulog na kami ngayon. Hindi ko minulat ang aking mata dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na ganon na lang ako kabilis na bumigay sa kaniya.

Kahit ganon naman ay naging mas napanatag ang loob ko dahil alam kong mahal niya ako, hindi naman niya siguro gagawin ang lahat ng yon kung hindi niya ako mahal, diba?

Ramdam kong nakatitig siya sa mukha ko kahit hindi ko siya nakikita "Alam mo na diba na may sakit ako?" tanong niya sa akin, hindi ko alam kung bakit ayon ang sinabi niya.

"Hmm?"

"M-mahal mo pa rin ba ako kahit maging mahirap ang lahat para sayo?" may bahid ng kalungkutan ang kaniyang mga salita "kase diba baka maging pabigat lang ako sayo, hindi ko alam kung kailan may lumalabas na katauhan sa akin at mas lalong hindi ko alam o nakokontrol man lang lahat ng ginawa nila" sa sandaling yon ay bigla ko na lang siya niyakap.

Niyakap na rin niya sakin ang isang kamay at ang isa naman ay nagsisilbing unan ko "Mahal kita," panimula ko "Mahal kita kahit may sakit ka, Mahal kita kahit mahirapan ako, Mahal kita kahit na may ganyan ka, Mahal kita," humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Napatingala ako sa kaniya ay binigyan siya ng isang halik sa labi upang huwag na siyang mangamba dahil hindi ko siya iiwan sabay namin lalabanan ang sakit niya.




NAKASAKAY na kami ngayon sa kotse ni Alex at nakabukas ang bintana sa gilid ko kaya nakita ko ang isang babaeng naglalakad may dala dala siyang maleta at parang may inaantay pa ata. Napatingin ito sakin dahil mabagal ang takbo ng sasakyan dahil nag red na ang stop light. Ngumiti siya sakin at hindi ko alam dahil napangiti rin ako sa kaniya.

Maganda siya at matangkad pang model ang kaniyang itsura at tindig niya. Mukhang siyang galing sa mayamang pamilya dahil magarbo ang kaniyang pananamit naka long coat siya na abot sa binti may shall din na may disenyong mga paruparu na nakasabit sa leeg niya.

"Binibini ko, anong iniisip mo?" natauhan na lang ako ng magsalita si Alex. Tumingin muli ako sa bintana para sana tignan muli ang babae ngunit wala na siya roon.

"Wala naman, naeexcite lang akong makapunta sa bahay mo" umilinh ako at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Hinawak niya ang kamay ko kahit na nagmamaneho siya, ngumiti siya sakin bago ako halikan sa noo.

"Bahay na natin yun dahil doon na kita patitirahin," nginisian niya ako. Napakunot naman ang noo ko dahil ang alam ko ay magtatrabaho lang ako doon sa maikling panahon. "bakit? ayaw mo ba?" nawala ang kaniyang ngiti dahil nakita niyang nakakunot ang noo ko.

"G-gusto," napatakip na lang ako sa aking bibig dahil tila parang may ibig sabihin ang aking naging tono. Lumawak ang ngiti at sumilay muli ang kaniyang makalokong ngisi. Nakita ko pa siyang kumindat bago ako mag iwas ng tingin. Dahil baka isipin niyang gusto ko muling gawin namin yung nangyari nung nakaraan.





LUMIKO kami sa isang kanto at doon ay nakita ko ang isang Arko na tila kulay ginto ang bahay bahagi nito. Napatingin ako sa sa pinataas at may naka dito na parang pamilyar sa akin.

Silong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon