Kabanata 17

175 4 1
                                    

"Ang sarap talaga ng pagkain dito sa restaurant niyo." Nyx commented as soon as we finished our food. I just smiled at her at napatingin ulit sa cellphone ko nang umilaw ito. It was a message from Kian.


From: Kian
cottage no. 3. 8 p.m sharp.


I sighed as soon as I read the message. Wala akong ideya sa sasabihin nito sa akin pero baka tungkol na naman ito sa agreement namin. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako ka desperada sa pagmamahal in isang Keith Ian but still, alam ko ang limitasyon ko kaya hanggang kaya pa ay lalaban ako. Kung wala talaga, edi susuko na lang. Hindi man madaling maghanap ng ibang mamahalin pero ipapangako ko na mas mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko kay Kian.


"Woy, ang lalim ata ng iniisip mo? Si Kian na naman ba?" Nyx raised an eyebrow.


Umiling ako. "Wala, nabusog lang. Tara na, inaantok na kasi ako e."


It was 7 o'clock p.m nang nakarating kami sa hotel room. Humiga agad ako sa aking kama at binuksan ang cellphone ko. I stalked Kian's account on Instagram. Hindi ko nga alam kung bakit gusto ko siyang i-stalk ngayon. Siguro ay nami-miss ko lang siya.


After scrolling some of his pictures ay nagulat ako nang biglang lumitaw ang pangalan ni Kian sa screen. He is calling me. Nanginginig pa ang aking kamay bago ko ito sinagot.


"Andito na ako. Where are you?" 'yan ang bungad nito sa akin. I checked the time at 7:30 pa lang naman. Napaisip tuloy ako kung bakit ang aga nito.


"Papunta na." I quickly answered at bigla na lamang naputol ang linya. He probably ended the call. I let out a loud sigh before standing up. Napatingin ako kay Nyx na nasa kabilang kama at mahimbing na ang tulog nito. Hindi na ako nag-abala pang gisingin siya at lumabas na sa kwarto.


I went straight to the said cottage at nakita ko agad si Kian. He is wearing his pink oversized hoodie at shorts that ended above his knees. I can't help but to appreciate how good his looks are even though ganito ka simple lang ang suot niya.


Lumakad na ako papunta sa kanya at napansin niya agad ako. He plastered a small smile at me kaya sinuklian ko din naman iyon. The air from the ocean starts to sent shiver down to my spine. I am only wearing a shirt and paired it with a denim shorts kaya mas naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin.


Kian's hair also sways in a most stylish way na para bang kahit gaano ka tindi ang hangin na dumapo sa kanya ay gwapo pa din siya.


"Did you have your dinner already?" he asked as soon as I stood in front of him. You can immediately see how tall he is kapag katabi niya ako. Hanggang ilong niya lang kasi ako.

Tumango ako bilang sagot. "Ikaw?"

"Tapos na din." he immediately answered.

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang lakas ng tibok ng puso ko at ang malalakas na alon na humahampas sa mga bato. It was a long awkward silence between us kaya medyo umubo ako ng konti para lamang gumaan ang tensyon.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now