Kabanata 16

159 4 0
                                    

Pagkatapos ng unang pictorial ay nagpasya na agad si Kian na mag break. Nagulat pa nga ang lahat dahil sa biglaang pagsigaw niya. We all thought na magpro-proceed agad kami sa solo shoots pero nagbago siguro ang isip nito at nag break muna.


"You can now take your hands off, Prince."


Napatalon ako sa boses ni Kian. Hindi ko din namalayan na nasa harap ko na pala siya. Napatalon din si Prince dahil sa mababang boses nito. He immediately removed his hands around mine and smiled at me.


"Dinner?" tanong ni Prince sa'kin. Napakunot naman ang noo ko. Is he asking me out for a dinner?

"She's busy." ani Kian at bigla na lamang akong hinila palayo sa mga kasama kong models. The photographer stopped infront of us kaya tumigil din si Kian sa paghila sa akin.

"Ms. Buenaventura, I like the way you project in front of the camera. I suggest na maging permanent model ka na lang sa Beau Monde, you have the potential. Bagay kayo ni Prince--"

Kian cutted him off. "She's not interested, Rafael."


Hindi na lamang nagsalita pa ang photographer kaya binigyan ko na lamang siya ng matipid na ngiti. Hinila na naman ulit ako ni Kian, specifically, papalayo sa lahat ng tao.


We both ended up in the lobby inside the hotel. Nakatingin lamang siya sa akin, nakakunot ang noo na para bang malalim ang problema nito.


"May problema ka ba?" I asked him. Narinig ko agad ang malakas na buntong-hininga nito.


Nagsimula na akong mainis sa kanya. I can't understand him. Hinila niya ako dito para lang makipagtitigan at hulaan ang problema niya?


"Kian--"


"Bumalik ka na doon." he sighed.


Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Huh?"


"Don't make me repeat what I say." he sounded frustrated pero hindi na ako umangal pa at lumabas na sa hotel pabalik sa aking mga kasama.

Bumungad sa akin si Nyx na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi, nasa gilid nito si Prince na nakangiti din sa akin. I also plastered a small smile before heading towards them.


"Ang galing galing mo talaga, Shine!" Nyx giggled. "Nakita mo 'yong mga pictures mo? Ang ganda mo."


"H-hindi pa--"


Prince cutted me off. "You're hot."


Ramdam ko ang dugong umakyat papunta sa aking pisngi. Halos hindi ko alam ang aking sasabihin sa komento ni Prince. Mabuti na lang at sumigaw ang camera director na mag proceed sa next pictorial.


Solo shots naman ang gagawin namin kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi pa nga nakabalik si Kian sa area namin pero sabi ng isang staff ay nag-instruct daw si Kian na ipagpapatuloy namin ang pictorial even without his presence.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now