Kabanata 21

197 4 0
                                    

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao ay handa ka na magpatawad kahit gaano pa kalaki ang kanyang kasalanan. Love is not just a simple word. It is a strong one. Na sa sobrang lakas ay handa kang masaktan para lang sa pinakamamahal mo.


But, paano kung napagod ka? Napagod ka lang ba talaga? o nawala na din ang pagmamahal na binigay mo?


"What the --- Pat! Seriously!?" I almost shouted at Patricia.


Sino ba naman ang hindi maiinis. Imagine, she disturbed me on my sleep para lang samahan siya sa Mc Donald's and only to know na pumunta siya dito dahil dito kumakain si Brook.


"Wag ka ngang maingay, Shine. Look at him..." she said dreamily. "Sobrang puti at kinis ng skin niya. Sobrang gwapo... love na love ko talaga si Brook."


Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa. I continued to eat my favorite Ala King habang si Patricia ay panay ang tingin sa idolo nito.


Well, Brook is actually good looking naman talaga. From what I heard, famous daw ito sa Tiktok. He got the looks at magaling sumayaw. That's why, I don't blame those girls who fall for him. Who wouldn't be?


"Nakakainis." Patrice sighed. "Tignan mo, Shine. Halos lahat ng babae ay nakatingin sa kanya. Nakakainis talaga!"


I almost laughed at her pero parang wrong timing ata kapag tumawa ako. Instead, I pat her shoulders and gave her a smile. "Why don't you talk to him?"


"A-ano? No way!" nanlaki ang mata nito.


"Ha? Akala ko ba nagre-reply 'yan sa dm mo." I asked.


"Oo, nagre-reply nga pero baka mapahiya lang ako kapag lumapit na ako sa kanya. Sa sobrang dami pa naman ng fans niya na nagd-dm sa kanya ay maalala niya kaya ako?" she shrugged.


I decided to stay silent after Pat said those words. Sabagay, tama nga naman siya. Napangiti ako sa kanya. She is in love with Brook at nakikita ko 'yon sa kanyang mga mata. Hindi lang siya fangirl. She is falling for him.


"Happy Sunday, Ma'am. Enjoy your food." I smiled at the customer as soon as she received the tray full of our specialties.


"Ma'am Shine, ako na po d'yan."


Napatingin ako sa isang tauhan ko. Nag take over muna kasi ako dito sa cashier area dahil may emergency na naganap sa isang cashier.


I smiled. "Sure, thank you."


I took a deep breathe before proceeding to my office. If you are asking kung nasaang branch ng restaurant ako ngayon ay andito ako sa bagong branch na ipinatayo sa Jaro, Iloilo City.


I sat on my swivel chair and decided to take a nap dahil kanina pa ako medyo na stress sa mga gawain dito but thank God, I manage to handle those really well.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now