Kabanata 18

165 3 0
                                    

Iba't iba ang gusto nating abotin sa buhay. May mga pangarap tayo na natutupad, may pangarap din naman na hindi natutupad. May mga bagay na kailangan nating abotin kahit gaano man kahirap. Kahit gaano kasakit.


"Ayos ka lang ba d'yan, anak? Last week mo na pala sa model model mo na 'yan this week, ano? Celebrate tayo pagdating mo." magiliw na sambit ni mama. Kausap ko siya ngayon sa phone.


"Okay na okay po, ma." I smiled. "Kayo po ba? Okay din naman na mag-celebrate tayo, ma. Miss na miss na kita."


"Nako, ayos na ayos din ako, anak. Miss na miss na miss na din kita.  Kapag may problema ka, tumawag ka agad sa akin, ha?"


"Opo, ma. I love you."


"I love you too, anak."


After the call ay bumaba na ako sa hotel. I can't believe na isang week na lang pala ang natitira sa pictorial na ito. Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang ay kinakabahan na ako kapag nasa harap ang camera.

Kahapon ay nagpaalam si Nyx sa lahat ng staff dito dahil uuwi na daw ito. Nagulat nga ako na pumayag si Kian sa desisyon niya, well, wala naman talagang magagawa si Kian kung gusto ni Nyx na umuwi siya pero ang alam ko lang ay may plano na si Nyx at Ares na gumawa ng sariling pamilya.


"Shine..." Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon.

"Kian..." I gulped.


"Come with me." he smiled and I felt him reached for my hand.


"S-saan? May pictorial pa ako." I told him. Hindi man lang ito sumagot sa aking tanong at hinila lamang ako papalayo sa venue.


"Kahit nando'n ka, I won't let you do that pictorial, though." I heard him mumbled.


"Ha?" I pretended to ask na para bang hindi ko narinig ang sinabi nito. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ayaw niya ako magpictorial ngayong araw. Ang confident ko pa naman kanina habang palabas ako sa hotel.


"Nothing. I said you're beautiful, today." he smirked.


"Bolero." I mumbled.


And that day, I spent my whole day with him. Nag jet ski kami and nag swimming pa. I wore my white two-piece bikini pero nagalit si Kian sa akin. He told me to wear rash guard instead of a bikini. Wala akong rash guard na dala kaya nawalan ito ng choice.


"You are getting a lot of attention, woman." I heard Kian sighed as soon as we reached the beach. Naramdaman ko agad ang lamig ng umabot ang tubig sa aking paa.


"Huh?" I faced him dahil nasa likod ko siya.


"Nothing." he looked away. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. I was enjoying the beach when I felt a warm hug from the back. Kian's large arms are hugging my waist na para bang ayaw niya ito ipakita sa iba. A smile crept into my face. Damn it! Kinikilig ako na parang teenager!

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now