Kabanata 26

182 6 1
                                    

"Aba palagi akong inaaway ng anak mo, tita." Kian pouted in front of my mom.


I know you are all wondering kung bakit andito na sina mama at papa sa bahay. They closed the restaurant early dahil magda-date daw sila pero pupunta muna sila sa bahay para magbihis but it turns out that nakipagchikahan ito kay Kian.


Well before my mom and dad went home. Nagkwentohan lang naman kami ni Kian at nanood ng movie. Syempre, ako naman 'tong baliw na kilig na kilig sa mga nangyayari. I never felt so comfortable with someone until it was him. Naramdaman ko ang pagmamahal nito sa bawat salita at galaw. He deserves a chance, he deserves a second chance.


"Nako, palagi ka ngang kinekwento ni Shine sa'min tapos inaaway ka pala ng anak namin." pang-aasar pa ni papa.


"Oo, naalala ko na kinikilig pa 'yon habang nagkwe-kwento."


"Luh? Ma, pa, hindi kaya... hindi ko naman kinekwento 'yang si Kian sa inyo e. Hindi ko naman 'yan crush noon." Well, it's a lie.


"Ay oo nga pala, si Jeremiah 'yung gusto mo diba?" tanong agad ni mama at halatang kinikilig din ito.


Oh no, this isn't part of the plan!


Napatingin ako kay Kian at tumaas ang kilay nito sa akin. Okay, gets ko naman ang mga ganyang tingin e.


"Ma, hindi ko crush si Jere—"


"Oo, crush nga ni Shine 'yun. Nako! Bakit hindi kayo nagkatuloyan?" tanong pa ni papa. Narinig ko ang mahinang ubo ni Kian. Were sitting on the living room at nasa isang sofa si mama at papa while nasa single couch kami ni Kian at magkaharap then nasa gitna namin ang coffee table kaya naman kitang-kita ko talaga ang reaksyon nito.


"Tita, tito..." Kian spoked. Ewan ko ba bigla akong kinabahan. "Liligawan ko po ang anak niyo."


My world stopped as soon as I heard what he said. Did he just—


Kumunot ang noo ni papa. "Mahal mo ba ang anak ko? Akala ko ba ay magkaibigan lang kayo, ha?"


"Opo. Magkaibigan nga po pero mahal ko ang anak niyo, tito. I am willing to sacrifice and give my heart to her. I want her to be my queen."


"Nako! Nako! Pumayag ka na, hon." kinikilig na sagot ni mama. "Hindi naman ako gano'n kaboto kay Jeremiah, e. Mabait naman si Kian kaya um-oo ka na."


Mama naman, e!


"Okay, sige sige. Sa isang kondisyon, Kian..." sagot ni Papa. "Kapag makita ko na umiiyak 'tong anak ko dahil sa'yo... nako, hindi mo magugustohan ang gagawin ko."


"O-opo, tito. I promise I would never let a tear slide into her face." Kian said. Kahit na kinakabahan ito ay nakuha pa itong ngumiti sa harap nina mama at papa.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now