Kabanata 25

207 7 1
                                    

The ocean breeze made our dinner date more romantic. Ang paghampas ng alon sa bato ay bigla na lang naging musika sa aking pandinig and being with him made me realize that before he came back my life isn't complete.


"Shine..." I looked at him. "Anong oras ka uuwi?"


"I don't know depende sa dami ng customers sa restaurant."


"Okay, hatid na kita."


I was about to answer him nang biglang nagring ang phone ko. Agad ko namang tinignan iyon at ang pangalan ni Jeremiah ang lumabas. Tumingin ako kay Kian yet he smiled at me and said "Go on, I don't mind."


Ngumiti pa ito sa akin kaya ngumiti din ako pabalik. I answered the call in front of Kian, ayaw ko naman siyang iwan dito mag isa sa table at isa pa hindi naman private 'tong pag-uusapan namin ni Jeremiah.


"Napatawag ka?" I beamed. I heard Jay chuckled at the background.



"Nothing, na miss lang kita."


Natigilan ako sa kanyang sinabi at napatingin kay Kian. I am sure na sa sobrang tahimik dito ay narinig niya iyon kahit hindi naka loud speak ang phone call.


"Baliw..." I only managed to say one word. Ewan ko ba, feeling ko hindi tama ang pagsagot ng tawag mula kay Jeremiah.


He chuckled at my response. "Kidding aside, bukas uuwi na ako d'yan. May pasalubong ako sa'yo hope you like these things."


"Wow naman, madami ba?" I joked.


"More than two."


I was about to say something nang biglang umubo si Kian kaya napatingin ako sa kanya and I immediately offered him my glass of water.


"Sino 'yun?" Jeremiah asked.


"She's having a date with me, Jay. Kaya pwede bang mamaya ka na tumawag." Kian said calmly which made me panic from the inside. He sounded calm but his face was a bit scary.


"O-okay? So you're two are together now?" Jeremiah asked. This time, the bubbly voice of him before became different.


"H-hindi—"


"But nililigawan ko siya. End of conversation." Kian cutted me off and grabbed my phone at sita na mismo ang nagpatay ng tawag. Hindi ako nagulat sa kanyang ginawa, I knew this would be coming.


He gave my phone back with a bored look on his face. "Nanliligaw ba 'yon? At talagang may pasalubong ka pa, ha?"

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon