Kabanata 15

166 4 0
                                    

"Good morning!" pasigaw na bati sa akin ni Nyx.


Guess what? It's 5 in the morning at andito na siya sa bahay. Nakakainis lang kasi nagulat ako nang tumawag siya around 4 and she told me na papunta na siya dito kaya wala akong choice kung di tumayo at mag ayos ng sarili.


Ngayon ang first day ng photoshoot kaya naman maaga pa akong sinundo ni Nyx sa bahay ko and kasama pa nito si Ares, medyo inaantok pa nga pero para kay Nyx tiniis niya.


"Morning." bati naman ni Ares. Ngumiti lamang ako sa kanilang dalawa. They are both sitting on the sofa habang ako ay kakababa lang galing sa kwarto. I started to pack my things na kailanganin ko doon. Nasa resort lang naman ni Jeremiah ang shoot e.


Actually, kagabi ay nagpaalam na ako kay mama at papa. Naexcite pa nga si mama dahil finally ay magta-try ng modeling ang anak niya and she told me na sila na lang muna nina papa ang babantay sa restaurant since magiging busy ako for the whole month.


"Tara na." aya ko sa kanilang dalawa. Ngumiwi pa ako nang makita kong ninakawan ng halik ni Ares si Nyx. Respeto naman sana sa single diba?


When we reached the resort, nauna na akong bumaba sa sasakyan. Naglalambingan kasi ang lovebirds na kasama ko sa loob. I looked around at nakita ko agad si Jeremiah, kausap nito ang mga staffs na galing din sa Beau Monde. Napatingin din ito sa aking direksyon at nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi kaya ngumiti ako pabalik sa kaniya.


"We'll stay on the hotel, iisang room lang tayo." halos nagulat pa ako nang nagsalita si Nyx. Hindi ko man lang namalayan na nasa gilid ko na pala siya.


I just nodded at her. Napatingin ulit ako sa direksyon kung saan si Jeremiah ngunit hindi ko na siya natagpuan pa. Sumunod na lamang ako kay Nyx papasok sa hotel ng resort. Nagcheck-in agad kami sa reserved room para sa amin at dumiretso na sa kwarto para makapagpahinga. Isang queen-sized bed ang bumungad sa amin at good for two persons na iyon kaya magkatabi kaming matulog buong buwan. Sana ay hindi malikot matulog si Nyx.


"Hindi magsta-stay dito si Ares?" I asked Nyx while fixing my things inside my bag. Good for one month na damit lang ang dala ko and dalawang pair ng swimsuit if ever na magswi-swimming kami.


"Busy sa kompanya niya." Nyx answered. "Anyways, last photoshoot ko na 'to ngayon."


Umupo ako sa kama at napakunot ng noo. "Bakit naman?"


"Plano ni Ares na bumuo na ng pamilya." Nyx giggled. "But first, we'll travel around the world para naman matupad ang isa sa mga pangarap naming dalawa."


Napangiti ako sa narinig ko. I admit, nagseselos ako dahil nakita na ni Nyx ang lalakeng para sa kanya. Swerte nga nila sa isa't isa e. While me, umaasa sa taong alam ko na hindi ako mamahalin pabalik pero I have this feeling inside of me na may pag-asa ako but I shouldn't trust those feels, ayaw ko mag assume dahil ako pa din naman ang masasaktan sa huli.


"Kayo ni Kian?"


"Huh?" agad na tanong ko kaya tumawa naman si Nyx.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora