Kabanata 13

151 3 0
                                    

1. Let your partner do what he or she wants. Walang basagan ng trip. You are free to do what you want and date whoever you like. If ever I need someone to talk to, it is your responsibility to be with me and make me feel loved since, it's your offer and it is part of our plan.


I rolled my eyes after reading the first rule. Sinasampal talaga sa'kin ang katotohanan na wala siyang pakealam sa kung ano man ang gusto kong gawin.


2. During occasions we can freely stick to each other especially kapag si Nyx ay andyan. Let me use you as a shoulder to lean on, Shine.


I bitterly smiled at myself. Tama nga naman, isang mabuting kaibigan lang ako sa mga mata ni Kian. Ang tanging nakikita nito ay si Nyx pero hindi ako galit kay Nyx, wala siyang kasalanan. It's just that, si Kian ay nahulog ng sobrang lalim at hindi lang nito alam kung paano aahon. He can't find his self anymore dahil si Nyx lamang ang tanging iniisip nito and that's why I wanted to help him at sa ganitong paraan ay ibabaling niya ang kaniyang atensyon sa iba... sa akin.


It's 10 in the evening and I am still wide awake while laying on my bed habang binabasa ang mga rules na ginawa ni Kian.


3. We can have friendly dates if you want and if ever you need anything don't hesitate to ask me. I am willing to help you.


Napangiti ako sa ikatlong rule. I guess, hanggang doon na lang kami.


4. Keep this matter private. Kahit sa tropa mo or even your parents and if ever I fall in love with someone, we should immediately stop this thing. Same goes to you.


I let out a loud sigh. I have already fallen in love with someone at ikaw 'yon Kian. Manhid ba siya o hindi lang talaga halata na may gusto ako sa kanya?


5. No involvement of sexual activities. Unless we both agreed to do it.


I almost choked when I saw the last rule he wrote. Iba talaga ang utak ng isang Kieth Ian, ang taba. I am not ready for those kind of aactivit at hindi naman ako sigurado kung hindi ako papayag if ever he wants that thing but still it's a no! Virgin pa ako and we don't have a thing para ibigay ko lang sa kanya ang perlas ng silanganan.


Kinabukasan, hindi muna ako pumasok sa restaurant dahil sina mama at papa muna ang bahala doon. It's a free day for me since ako lang naman mag-isa sa bahay. I decided to call my friends pero si Nyx lang 'tong may free time.


She told me na puntahan siya sa Beau Monde. It is Kian's company of course kaya nagdalawang-isip pa ako but on the other side baka wala naman doon si Kian kaya pumayag na lamang ako.


I decided to take a taxi at nang nakarating na ako sa tapat ng building ay nahagip agad ng mata ko si Nyx. She's waving her hands at me at mukhang excited. I just laughed at her playfulness habang naglalakad ako papunta sa kanya.


"Namiss kita, beybi." she joked and hugged me.


Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now