Kabanata 9

156 4 0
                                    

"Dito na lang po, manong." I told the taxi driver at nagbayad ng pera, after receiving my change ay lumabas na ako sa taxi.


Nasa tapat na naman ako ng bar ni Danica. Ito ang unang bar na aking pinuntahan. I showed my I.D. sa bouncers to let them in. Bumungad sa akin ang malakas na tunog ng speakers at iba't ibang kulay ng ilaw na nagsasayaw sa loob ng bar. Weekdays pala ngayon kaya marami ang tao dito.


I scanned the whole bar at wala akong Kian na nakita. May second floor ang bar at hinanap ko din siya doon pero wala talaga siya. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong isang pamilyar na lalake. Nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko na ngumisi ito sa akin as he made his way towards me.


"Ikaw 'yung girlfriend ni Kian?" Connor laughed. Naaamoy ko ang amoy ng alak sa kanya.


"No." I told him. "Anyway, nakita mo ba si Kian?"


"What?" Connor asked. He probably didn't hear what I said because of the loud noise from people inside the bar plus the loud sound system.


"Si Kian, nakita mo ba?" I asked, almost shouting. Connor was about to answer nang may narinig akong malanding boses.


"Babe." napalingon agad kami ni Connor. "Who's that?"


Kumunot ang noo ko. She's probably pertaining to me. Napatingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa braso ni Connor. I can't believe na saksi ako sa pagiging playboy nito, kawawa naman si Danica. Alam niya kaya 'to? I should probably warn her about this.


"She's a friend, Yannie." Connor replied in a drunk way.


"Yannie?" galit na tanong ng babae at bumitaw sa paghawak kay Connor. "My name is Lindsay, you jerk!" at isang matunog na sampal ang natanggap ni Connor sa kanyang pisngi at umalis agad ang babae.


"Certified womanizer." I mumbled.


"Sorry about that." Connor chuckled, touching his cheeks na medyo naging pula na dahil sa sampal. "May sumundo kay Kian dito. I forgot the name but she's damn hot."


Ngumiwi ako. "She?"


Connor nooded. "Yeah. It was like 10 minutes before we talked."


"What? Pinapasundo kasi si Kian sa akin. Alam mo ba kung saan siya dinala ng babae?"


"I don't know." Connor smirked. "Probably on a motel."


"Stop joking around, Connor." I hissed.


"What? That's a possibility."


I rolled my eyes at iniwan na lamang si Connor para hanapin ulit si Kian. I even heard Connor called my name but I ignored him. Isusumbong ko talaga 'yan kay Danica. Nang nakalabas na ako sa bar ay nakita ko si Kian at may kasama nga itong babae.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now