Kabanata 10

167 4 0
                                    

The next day hindi muna ako pumasok sa restaurant. Hindi naman ako nilalagnat, wala lang talaga akong gana. Last night, hindi ko ine-expect na makikita ako ni Jeremiah. He's wearing a formal attire last night, halatang kakagaling niya lang sa meeting. Siya din ang naghatid sa akin dito sa bahay.


"Anak?" narinig ko ang boses ni mama na nasa pintoan. "Sigurado ka bang okay ka lang?"


"Opo, ma." ani ko sabay hila ng kumot ko hanggang sa aking ulo.


"Nasa baba si Jeremiah, hija."


Napaupo ako sa sinabi ni mama. "Talaga po?"


"Oo, anak. Lumabas ka na dyan at puntahan si Jeremiah."


Narinig ko ang paglayo ng yapak ni mama bago ako nagdesisyon na lumabas sa aking kwarto. I'm still wearing my hello kitty pyjama, wala naman akong pakealam kung makita ako na ganito ni Jeremiah. He can tease me freely, wala akong gana na mag-ayos.


When I reached the living room, nakita ko agad si Jeremiah na nakaupo sa sofa. He's busy on his phone at hindi man lang nito naramdaman na nakaupo na ako sa tabi niya. I cleared my throat to get his attention kaya napalingon agad ito sa akin.


"Ayos ka lang?" bungad na tanong niya.


"Okay lang naman." I answered. Natigilan ako nang naglapat ang kanyang kamay sa aking noo. He's checking my temperature.


"Hindi ka naman nilalagnat." he stated. "Why did you let yourself walk under the rain? Saan ka ba nanggaling kagabi?"


I didn't tell him about Kian at all. Wala talagang siyang ideya kung bakit ako naglalakad sa ilalim ng ulan kagabi. I felt nothing but pain. Totoo naman ang sinabi ni Kian na si Nyx ang nagsabi sa akin na ihahatid ko siya but can't he see my effort? Kahit hirap na hirap na akong paakyatin siya sa condo niya, kahit masakit na ang paa at kamay ko dahil sa kanya ay tiniis ko ang lahat ng 'yon pero ano? Si Nyx pa din ang nasa isip nito... he keeps on thinking about her. He's silently wishing na si Nyx ang kasama niya kagabi at hindi ako.


"Shine? You're spacing out." kumunot ang noo ni Jeremiah.


I blinked a few times before answering him. "Sorry. Medyo inaantok lang."


He looked at my pyjama. "I can see that." he smiled weakly. "Hindi ka papasok ngayong araw?"


I shook my head. "Hindi. I want to rest for the whole day."


"Okay so, ako na lang muna ang pupunta sa restaurant."


"No." I immediately said. "Wag na, Jay. Alam kong madami kang ginagawa. I'll just tell mom na siya muna ang pupunta doon."


"It's okay, wala naman akong ginagawa. I just want to help."


Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now