Kabanata 20

210 3 0
                                    

"Samahan mo nga ako, Shine!"


"Ayaw ko nga, Patricia. Ang kulit eh!" I spat.


"KJ mo kasi, palagi ka na lang busy sa restaurant mo. Wala ka nang time sa sarili mo. Tsk tsk." Pat commented.


"Pat, it's better na ibuhos ko ang sarili ko sa trabaho kesa naman sumama sa meet and greet na 'yan." I stood up from my seat and went outside my small office. Sumunod naman si Patrice.


"Weh? Bitter ka lang siguro. Shine, isang taon na ang lumipas! Si Danica at Rhea brokenhearted din. Mabuti pa si Ella magpapakasal na." Patrice started to say random thoughts in her head. "At syempre, ako naman ay magpapakasal kay Brook."


"Hoy, baliw! Sa sobrang dami ng fans ni Brook, malabo 'yang pinagsasabi mo." I rolled my eyes at her.


"Well, excuse me. Nagreply siya sa DM ko sa Instagram. Pakita ko pa sa'yo--" Patrice was cutted off by someone.


"Shine---oh, may kasama ka pala." It was Jeremiah.


"Andito na pala si lover boy." Pat chuckled. "Now, I know kung bakit ayaw mong sumama sa akin. Trabaho daw."


"Hoy, Patricia. Trabaho nga ang ginagawa ko dito." I almost glared at her. Kanina pa to sa office ko at kahit kaibigan ko 'to ay ansarap niyang ipatapon sa labas ng Earth.


"Saan ka ba pupunta mamaya?" tanong naman ni Jeremiah kay Pat.


"Sa meet and greet ng baby ko." she giggled. Oh god, baka mag fangirl-ing pa 'to sa harap ko.


"Yung sikat na vlogger? Si Brook? Mukhang paa naman 'yon e." Jeremiah laughed. Natawa din tuloy ako. Patrice gave us both a death glare.


"Kung mukhang paa siya, e ano na lang ang tawag sayo? Mukhang ingrown?!" Patrice spat. "Aalis na nga ako. Bad trip kayo."


At ayon, lumabas na si Patrice sa restaurant at naiwan kami ni Jeremiah sa loob.


"Hey." Jeremiah smiled at me. Napangiti naman ako sa kanya. "Free ka mamaya?"


"Hindi ako sure. Busy ako--"


He cutted me off. "Busy na naman? The same line you use, over and over again. Busy ka ba talaga?"


Natigilan ako sa tanong nito.


"Isang taon na ang lumipas. He left you without saying a word." dagdag nito.


"Because I left him first." I said in a low tone. "Iniwan ko siya dahil hindi ko na kaya because, I thought kapag iniwan ko siya ay kusa siyang lalapit sa akin but I guess, mali yung mga instincts ko." I sighed. "Iniwan niya din ako. He flew away to Spain, siguro nga iba't iba na ang mga babae niya doon."

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Where stories live. Discover now