Kabanata 27

192 4 0
                                    

Time went by so fast, madaming nangyari at lahat ng iyon ay bunga ng nakaraan. Nang bumalik si Kian ay biglang nagiba ang galaw ng mundo ko. I would ask myself na bakit ang bilis kong magpatawad? Bakit kaya bigla na lang nagbago ang pananaw ko sa kanya. Before, sinasabi ko na sa sarili ko na kapag bumalik si Kian ay titigilan ko na ang kahibangan ko but then ito ako ngayon, after all those things he made tinanggap ko pa din siya. Why? Isa lang naman kasi ang sagot dun e. Mahal ko pa din si Kian. Mahirap mag move on sa taong nakasanayan mo.


He was a big part of my life. Sa sobrang laki ay hindi ko na siya kayang makalimutan. I don't know if this is right, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko but then, kapag iniisip ko na hindi ko pinatawad si Kian ay posibleng hindi ako masaya sa sitwasyon ko ngayon. I would probably be avoiding him for the rest of my life. I would probably regret things, and that is what I hate the most... regrets.


"Pupunta kasi si Mr. President mamaya." Ella sighed.


Currently, tumatawag si Ella sa akin ngayon. I don't know why but kailangan niya daw ng advice ngayon. I don't even know why she is avoiding this Mr. President.


"Don't tell me 'yang Mr. President na 'yan ang naka relasyon mo last time?" I blurted out.


"H-hoy, hindi ah..."


"Nako, Ella. Wag ako."


"Eh, wala na kami nun." she sighed. "I just can't stand him seeing someone while were together."


"Ha? Nag cheat 'yun sa'yo?"


"Well, hindi naman nag cheat... ako kasi 'yung... hays, wala. Wag na nga lang. Hindi ko na kailangan ang advice mo, Shine. Mas lalo akong kinakabahan sa'yo." she joked.


"Wow ha, Ella. Ako pa talaga may kasalanan." I scoffed.


"Sus, pasalamat ka may Kian ka na. Karma ko na ata 'to."


"Ha? Anong karma? Grabe ka naman sa sarili mo."


"Sa mga ginawa ko kay Nyx noon. Well, I deserve the pain. Hindi talaga ako naging masaya. I never felt it. Sorry, ang drama ko na naman. Bye na, may trabaho pa ako."


"Ella, ano ka ba? Kaibigan mo ako, you can definitely tell all your problems to me. Hindi na nga namin alam 'yang mga nangyayari sa buhay mo. Minsan ka lang magpakita."


"Dahil hanggang ngayon ay nahihiya ako sa inyo... ako na ata ang pinakamasamang tao sa buong mundo."


"Napatawad ka na namin, okay? Hindi natin maiwasang magkamali pero sa pagkakamali na 'yon ay magiging silbing aral sa atin. Kaya naman, wag mong sabihin na ikaw na 'yung pinakamasamang tao sa buong mundo." I sighed. Narinig ko ang konting paghikbi nito. I
want to hug her right now.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ