Wakas

370 11 0
                                    

Kian's P.O.V


"Anak?"


Napatingin ako sa aking harapan. It was my mom.


"Ilang araw ka nang nakakulong sa bahay. Try to go outside o di kaya kumain ka sa isang restaurant. Have fun." mom sighed.


"Nakakawalang gana, ma."


"Ganyan ka na lang ba habang-buhay?" tanong ni mama. "Look, anak. Alam kong masakit pero parte iyan ng buhay natin. Hindi sa lahat ng oras na ang gusto mo ay mapupunta sa iyo."


Napangiti na lamang ako ng mapait kay mama. "Alam ko po."


"Alam mo naman pala. Live your life, anak. It's not too late to fall in love again." she smiled.


After that conversation with my mom ay nagdecide ako na pumunta sa isang restaurant. Well, I remembered na may bagong seafood restaurant sa resort nina Jay which is a friend of mine. I should go there since nagca-crave naman ako ng seafood.


"Keith Ian."


I felt the urge to smile nang nakita ko si Shine sa aking harap. I don't know why pero magaan ang loob ko sa kanya. Hindi naman kami ganon ka close.


Nalaman ko na restaurant pala ito ni Shine and I found myself visiting the resort everyday. Naging hobby ko ang manood ng sunset even if I'm all by myself. Kapag nararamdaman ko ang malamig na hangin ay napapangiti ako. I felt like I am slowly healing as I look at the wide ocean in front of me.


One day, I was about to watch the sunset pero nakita ko sina Jay at Shine. I never knew na close sila but their closeness annoys me sa hindi malamang dahilan. Nakaramdam ako ng kakaiba but I shrugged it off. Gusto ko silang puntahan pero hindi ko magawa. I sighed and decided to stay at home.


From: Nyx <3

may magaganap na reunion sa bar nina Danica bukas. 8 pm sharp. Wag late o ililibre mo ang buong grupo.


Napangiti ako sa kanyang message. I removed the heart emoji on her name before I replied okay.


The next day ay sinadya ko talagang ma-late. I don't even care kung ili-libre ko ang buong grupo. Nang nakarating na ako sa bar ay hindi ko maipaliwanag kung bakit nakuha ni Shine ang atensyon ko. Damn, I just wanted to cover her because she's wearing that sexy dress. Why am I being possessive? What is happening to me?


They purposely let me sit beside Shine which made me feel different. I lowkey liked the idea of sitting beside her. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi umiimik si Shine simula ng pagdating ko kaya hindi ko maiwasan na kunin ang atensyon niya.


"Hey." I smiled.


"Hey." she replied back. Damn, why can't I stop myself from smiling?

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ