Kabanata 30

208 4 0
                                    

Umagang umaga ay may problema na agad sa main branch namin. Kaya agad akong napapunta dito. It turns out na na-out of stock kami ngayong araw. Kasalanan ko naman actually dahil hindi ko agad na follow up. Hindi ko naman inaasahan 'to but then may sermon pa din akong natanggap kay mama at papa.


"You should've check kung may kulang sa restaurant, Shine. Alam mo naman na sa ibang bansa pa tayo kumukuha ng ingredients. After one week pa natin mare-receive 'yun." mama sighed. Nasa isang table lang kami ni mama at papa.


"Anong available ngayon?" papa asked.


"Crabs and shrimp ata, pa. Lobsters were also out of stock." I answered.


"We'll be closing the main branch for the mean time. Maghahanap tayo ng paraan and we'll make sure na bukas ay kompleto na ang pagkain dito." sabi ni papa.


After that serious talk ay umalis na din silang dalawa. I apologized to some of the staffs dahil wala muna silang sweldo para sa ngayong araw since, iclo-close ng maaga ang restaurant.


I decided to stay at my small office and contacted our supplier immediately and asked kung pwede ba nilang madaliin ang mga products. I also contacted some local shop around the area of Iloilo kung may available silang products and good thing meron daw kaya agad akong nagpa-reserve.


After an hour ay biglang nag-ring ang phone ko. It was from Kian, I smiled as I saw his name on the caller's I.D para bang bigla na lang nawala ang stress ko.


"Good morning, mahal ko." he beamed.


"Good morning..." I giggled. Shuta! Bakit ako kinikilig?!


"I heard from your parents na may problema d'yan?"


"Meron nga..." I sighed. "Don't worry, kaya ko naman."


"Alam ko naman na kaya mo." Ramdam ko na ngumiti ito nang sinabi niya 'yun.


"Bolero, bat ka pala napatawag?"


"I wanna watch the sunset with you."


Napangiti ako sa sinabi niya. How romantic. "Mamaya?"


"Oo, hindi naman pwede ngayon dahil 10 a.m pa lang." he said sarcastically.


"Nye nye!"


I heard him laugh because of my childish act. "Cute mo talaga, mahal ko. I'm on my way there, wait for me."


"Huh? Papunta ka na dito?"


"Oo, I miss you so bad. Gusto kitang yakapin ngayon."


Napailing na lang ako sa kanya. "Clingy mo naman, mahal."

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon