Kabanata 23

181 6 0
                                    

"Mauna na ako sa inyo, ha? I need to entertain some of my guest na kakadating lang. Hija, you can sit there muna habang hinihintay si Jay." paalam ni tita. Napatango lamang ako at napatingin sa blangkong upuan na nasa gilid ni Kian. Tadhana nga naman, mapaglaro talaga.


I don't have a choice but to sit there. Narinig ko pa ang mahinang pagtikhim nito nang naramdaman niya na nasa tabi na niya ako. I smiled at the people na nasa table. 'Yung iba pamilyar.


"Ikaw si Shine?" someone asked. Napatingin ako sa kanya at mabuti na lang ay naalala ko agad ang pangalan nito. He's Krypton, isa sa mga cousin ni Jeremiah.


I was about to answer him nang biglang nagsalita si Kian. Actually, ayaw ko naman siyang pansinin but I just can't help it. Iba talaga siya, ibang-iba.


"Shine, pupunta pala sina Ares dito, with his wife."


I just nodded at him. Hindi ko naman alam ang isasagot ko at isa pa, hindi naman 'yan tanong. It isn't rude, is it?


Nilingon ko ulit si Krypton at nagsalita. "Yep, ako nga. Nice meeting you, I heard a lot about you."


"Kumusta 'yung kaibigan mo?" nagulat ako nang makita si Connor na nasa gilid ni Krypton. Bat ganito ang mukha nito? Parang sad boy. Anong nangyari dito?


"Sino?" I asked him. Alam ko naman na si Danica e, I just want him to clarify it for me.


"Alam mo na." he sighed. "Kumusta na sila ng boyfriend niyang gago?"


Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. May boyfriend si Danica?


"I guess you didn't know... nevermind." he looked away at uminom sa isang baso ng wine na nasa harap niya. Confirmed. May problema 'to.


"Keep ignoring me if that what makes you feel comfortable." kahit hindi ko na nilingon kung saan nangaling ang boses na 'yon ay alam ko na agad kung sino.


Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Ayaw ko lang talaga ng gulo, ayaw ko na mainvolve sa kanya. I want to start new at gusto ko mahalin muna ang sarili ko. I gave my all to him at kailangan ko ibalik sa sarili ko 'yon.


Ilang minuto ang lumipas ay dumating sina Ares at syempre kasama nito si Nyx. Napatingin agad ako kay Nyx na kanina pa ngumingiti habang pabalik-balik ang tingin nito sa amin ni Kian. I just raised an eyebrow at her.


"Hey, bro." bati nila kay Ares. Ares just smiled at them. Napatingin ito kay Connor na hindi man lang naramdaman ang presensya niya.


"Anong nangyari d'yan?" Ares laughed.


"Broken, ata." napalingon kami sa nagsalita. It was Jeremiah. He did a small fist bump on Ares before looking at my direction. I smiled at him at napangiti din ito sa akin.

Waves of Healing (The Six Ladies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon