NINETY TWO

6.3K 184 90
                                    

D E A N N A's

I woke up with a heavy head hindi ako gaanong nakatulog, knowing na may tampuhan kami ng asawa ko and worst hindi kami magkasamang natulog.


I'm used to it na nasa tabi ko sya, agad na akong bumangon at naligo para mapuntahan ko ang asawa ko.


Kumatok ako sa guest room pero walang bumukas baka tulog pa sya kaya dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at kumunot ang noo kong wala sya dito


Nilibot ko ang buong bahay at bigo akong makita ang asawa ko. Hinanap ko ang phone ko at wala naman syang text kung nasaan sya nakaramdam na ako ng kaba



O baka naman maaga lang syang pumasok sa resto if ever man bakit ni hindi man lang sya nag-iwan ng note


Hayyyy

Nawalan na rin ako ang ganang magbreakfast kaya dumiretyo na ako sa office.


J E M A's


" Oh anak biglaan ata ang dating mo nasaan ang asawa mo?" tanong ni Nanay




" teka Margarett anong mukha yan? umiyak ka ba bakit mugto ang mga mata mo? sinaktan ka ba ni Deanna aba malilintikan sya sa akin " dirediretyong tanong ni Tatay




" Tay naman hindi ba pwedeng namiss ko lang kayo? " tanong ko umiling lang sya



" hindi papasa sa akin yang mga palusot mo Margarett lalo at isang kilo na yang eyebags mo, hindi mo ako malolokong bata ka. Hindi ako pinanganak kahapon " sagot ni tatay napabuntong hininga nalang ako



" ano ba kasing nangyari anak? nag-aalala lang kami ng tatay mo " sagot naman ni nanay



" wala ho ito nay, tay gusto ko lang makapag-isip isip kaya nandito ako. " sagot ko napatingin naman sila sa akin


" Makapag-isip isip? tungkol saan? anak kabago-bago nyo palang na mag-asawa ganito na. May babae ba ang asawa mo? sinasaktan ka ba nya? may nagawa ka bang ikinagalit nya? " hay naku naman tay ang daming tanong ah



" tay naman walang babae ang asawa ko hindi nya magagawa yun sa akin, at lalong hindi nya ako sasaktan takot lang nun sayo " sagot ko tumango naman sya


" kung walang problema sa kanya eh baka naman sayo, ano sinungitan mo na naman sya? " sagot nya umiling naman ako



" tay walang problema sa akin mabuti akong asawa sa kanya " sagot ko




" Fe ikaw nga kumausap dyan sa anak mo baka mapalo ko yan ng belt ang gulo nyang kausap " inis na sagot ni Tatay natawa nalang ako sa loob-loob ko



" Ayusin mo Jessica, ayusin mo. Ano ba kasing nangyari? " seryosong tanong ni Nanay




" kasi nay nagkasigawan kami, nagkatampuhan dahil sa pagkakaroon ng anak " sagot ko napabuntong hininga naman si nanay




" teka Margarett ayaw mo bang magkaanak? " tanong ni tatay mabilis akong umiling




" tay naman hindi sa akin ang problema noh gustong-gusto kong magkaanak kami, kaso itong si Deanna parang ewan hindi pa daw handa, kaya ewan ko sa kanya kung kelan sya magiging handa bahala nga sya " sagot ko kinurot lang ni nanay ang kamay ko





I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon