THIRTY THREE

11.8K 293 53
                                    

Jema's Pov

Nagising akong wala si Deanna sa tabi ko chineck ko ang phone ko mahaba-haba pala ang tulog ko

Nag-ayos lang ako saka lumabas ng kwarto nilibot ko ang paningin ko wala si Tatay at Deanna

Nay asan po si Deanna at Tatay wala naman sila dito nagtatakang tanong ko ngumiti lang si Nanay

" Magkasama sila anak, nasa bukid " nanlaki ang mata ko sa narinig ko

Ho? A-Ano pong ginagawa ni Deanna sa bukid Nay? bakit naman sya sinama ni Tatay

" Ewan ko ba sa batang yun, sinabi ni Tatay mo na pupunta sa bukid nagpumilit sumama sagot ni Nanay

Nay naman, anong alam ni Deanna sa bukid? CEO yun ng company nila nag-aalalang sagot ko

" Ay ewan ko dyan, nagpapalakas ata sa tatay mo haha " nailing nalang ako sa sinabi ni Nanay, bwisit ka Deanna Wong mamaya ka sa akin. Ano nalang sasabihin ng family mo pag nalaman nila buhay prinsesa ako sa inyo tapos ikaw dito pumupunta sa bukid

Nay kanina pa ba sila umalis?  hindi mapakaling tanong ko

" Oo kanina pa, mag-aararo ata sila Tatay mo ngayon " halla anong alam mo sa pag-aararo Deanna?

Nay naman sana hindi ka pumayag na isama sya ni Tatay

" Hay nako yang manliligaw mo nagprisinta ba naman " tsk! kainis ka talaga Deanna!

Nay hindi ko po manliligaw si Deanna kumunot ang noo ni Nanay

" Eh bakit nagpaalam sa amin ng Tatay mo? " takang tanong nya

Ewan ko po wala naman syang sinasabi sagot ko

" Ah baka humahanap lang ng tyempo hehe " masayang sagot ni Nanay

Nagkwentuhan lang kami ni Nanay hanggang sa dumating si Tatay at Deanna na pawisan at puno ng putik ang mga suot tumaas agad ang kilay ko kay Deanna

Tay naman bakit mo sinama si Deanna sa bukid nakakahiya naman tay Boss kaya yan pagmamaktol ko

" Hoy Jessica sya nga itong makulit na sumama, wala naman akong magawa dahil mukhang hindi sya titigil hanggang hindi ako mapapayag " sagot ni Tatay

Tay ano po ba kasing ginawa nyo? kita mo ang itsura ni Deanna namumula na ang mukha dahil sa sikat ng araw sunog na yung balat nya saka pati mukha may putik, Tay naman sabay padyak-padyak ko tumawa lang si Tatay

" Kayo nalang dalawa mag-usap maiwan ko muna kayo hehe " sabi ni Tatay na tumatawang naglakad agad kong pinuntahan si Deanna sabay pingot

" ARRRAYYY! naman Love ang sakit na nga ng katawan ko ganyan kapa " sabay pout nya

So kasalanan ko pa na masakit ang katawan mo? bakit ka kasi sumama alam mong bukid yung pupuntahan mo! inis na sabi ko

" Eh nacurious lang ako sa ginagawa sa bukid Love kaya nagpumilit akong sumama kina Tito " sabay ngiti nya

Edi sana pinanood mo lang sila, teka ano bang ginawa mo?

" Nag-araro Love ang cute nga ng kalabaw mas madali pa akong mapagod kaysa sa kanya hehehe " napafacepalmed nalang ako sa sinabi nya. Kalabaw Deanna cute? teka ngayon lang ba sya nakakita nun at parang amaze na amaze sya?

Anong alam mo sa pag-aararo Deanna Wong?! umiinit talaga ang ulo ko sa kanya

" Wala akong alam pero tinuruan ako ni Tito sabi nga nya mabilis akong matuto " proud na sagot nya inirapan ko lang sya

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now