EIGHTY EIGHT

6.5K 195 59
                                    

D E A N N A's

Pagdating ko sa condo madilim ang paligid agad na kumunot ang noo ko.

Nasaan ang asawa ko ang sabi nya huwag ko na syang sunduhin ang ineexpect ko mas maaga syang umuwi.


Agad kong nilibot ang paningin ko pero bigo akong makita ang asawa ko.

Agad akong lumabas at nagdrive papunta sa resto baka nag-overtime na naman sya.

Lately sobrang naging busy bihira na nga kaming magsabay ng lunch pinapadalhan nalang nya ako ng food.


Gusto ko ng nagtampo pero hindi ko magawa, asawa ko sya kailangan ko syang suportahan sa trabaho nya gaya ng pagsuporta nya sa akin.


Hindi ko naman pwede syang patigilin sa trabaho nya dahil siguradong pag-aawayan namin yun.

Ayaw nya magbigay ako ng tulong kina nanay at tatay kahit mag-asawa na kami kaya gusto parin nyang magtrabaho.

Pagdating ko sa resto sinalubong ako ng guard wala ng tao sa resto wala narin akong makitang staff.

" Ma'am Deanna goodevening po " magalang na bati nya tumango lang ako

" kuya nasaan si Margarett? " tanong ko


" Ma'am nasa office pa po nya, mukhang may inaasikaso pa po " sagot nya tumango lang ako at naglakad papunta sa office nya

Kumatok ako at inantay ng pagbuksan nya ako, ilang minuto na ay wala paring nagbubukas kaya ako pumasok nalang ako

Nadatnan ko syang natutulog nakapatong ang ulo nya sa lamesa

" Pagod na pagod ka ba mahal ko at hindi mo na namalayan ang oras " bulong ko at inayos ang buhok nyang nakatakip sa magandang mukha nya

" Love gising na uuwi na tayo " sabi ko at mahinang yugyog sa balikat nya


" Mhmh " napangiti nalang ako

" Come on love, doon kana matulog sa bahay " sagot ko tumango-tango lang sya at kinusot ang mata nya



" Sorry love " sagot nya at yumakap sa akin ngumiti ako at hinalikan ang noo nya




" Shhh its fine love, lets go para makapagrest kana alam ko naman na pagod na pagod ka " sagot ko tumango lang sya at inayos ang table nya



Ako na ang nagdala ng bag nya saka ako umakbay at naglakad kami palabas ng office nya.





Pinagbuksan ko na sya agad ng pinto bago ako nagtungo sa driver's seat saka kinabit ang seatbelt nya halata namang antok na antok ang asawa ko agad syang pumikit




Dumaan nalang ako sa fastfood para sa amin, sa pagod ng asawa ko ayaw ko ng dagdagan kung magluluto pa sya ng dinner namin.



" Hey love we're here " gising ko sa kanya ng maipark ang car namin.



" Nakaidlip pala ako? " tanong nya natawa ako




" Hindi ka nakaidlip love, nakatulog ka haha " sagot ko hinampas naman nya ako




" Ano yang dala mo? " kunot noong tanong nya




" Ah dinner natin love nagdrive thru ako para makapagrest kana agad  " sagot ko tumango lang sya at kinuha ang dala ko para maiprepare nya




I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon