THIRTY TWO

12.3K 280 112
                                    

Jema's Pov

Hindi ako pinatulog ng pag-uusap namin ni Tatay, nag-aalala ako kung ano ang pag-uusapan namin at kung bakit kailangan si Deanna

Kailangan kong agahan gumising at kakausapin ko itong mokong na katabi ko na mahimbing na natutulog sarap buhusan ng malamig na tubig

DEANNA WONG! GISING NA! sigaw ko sa tenga nya bigla naman syang tumayo na nakapikit saka ako sinamaan ng tingin aba sya pa may ganang magsungit!

Oh anong tinitingin mo? Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo! pagsusungit ko nagpout lang sya at nailing

Ano saan ka nanggaling kagabi?! Hindi ka pumasok sa opisina mo diba? Lasing kang umuwi kaya marami kang dapat ipaliwanag! sigaw ko lumapit lang sya sa akin

" Love chill, maupo ka nga. Goodmorning pala hehe " sabay kamot nya ng ulo inirapan ko lang sya

Hindi good ang morning ko Deanna hanggat hindi ka nagsasabi ng totoo! sabay pingot ko sa kanya

" ARAY! naman Love kulang nalang tanggalin mo yung tenga ko! " reklamo nya kaya sinamaan ko lang sya ng tingin

Wag mong ubusin ang pasensya ko Deanna ano! sagot saan ka nanggaling?! natahimik naman sya ng parang mag-iisip

" Love sobra ba akong lasing kagabi? " tanong nya na ikinunot ng noo ko

Bakit hindi mo alam?! Paano ka nakauwi? kung sobrang lasing mo?! inis na tanong ko

" Wala akong maalala ganun ba karami ang nainom ko " sabi nya parang pilit inaalala kung paano sya nakauwi

Deanna kailangan natin umuwi sa bahay! tinignan nya ako

" B-Bakit d-daw? " nagtatakang tanong nya

Gusto daw tayong kausapin ni Tatay walang ganang sagot ko

" Ganun ba? Edi tara na ayaw ko syang pag-antayin " sabay tayo nya at pumasok sa banyo. Talaga lang ha Deanna Wong excited kang umuwi sa amin samantalang ako para ayaw kong umuwi

Nag-ayos nalang din ako ng gamit namin na dadalhin sa baba na ako maliligo para maaga kaming makarating baka lalong magalit si Tatay

Pagkatapos ko nadatnan ko na si Deanna na nakabihis, sobrang chill nya naman ata na umuwi sa amin samantalang ako parang hihimatayin na sa kaba

" Love dalian mo na bibili pa tayo ng pasalubong " sabi nya sa akin inirapan ko lang sya

Kung hindi mo ako mahintay edi mauna kana magpapahatid nalang ako kay Mang Berto inis na sagot ko umiling nalang sya

" Hindi mo naman kailangan magpaganda Love, given na kaya yung maganda ka hehe " pang-aasar nya bwisit talaga parang walang syang ginawa kahapon

Paano yan kung uuwi tayo sa amin, hindi kana naman papasok? Baka mapapabayaan mo na yung company seryosong tanong ko ngumiti lang sya

" You don't have to worry Love, hindi ko naman napapabayaan saka mas importante na makapunta tayo sa inyo " sabay akbay nya sakin siniko ko lang sya saka ko inirapan

Tara na para mabilis tayong makarating nagdala ako ng extra clothes natin in case lang patulugin tayo dun sabi ko tumango lang sya at kinuha ang bag namin

Nag-iwan lang si Deanna ng note kina Lola dahil tulog pa sila para hindi na maistorbo ang pamamahinga nila

" Okay Love relax, and enjoy the ride " sabi nya at nagsimulang magdrive

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon