TWENTY FIVE

11.6K 278 78
                                    

Jema's Pov

Its been three days since Deanna left tumatawag naman sya kung wala syang ginagawa sabi ko naman na magfocus sya sa work nya.

Nagdecide na din ako na ngayon na babalik sa condo nya hindi ko sinabi sa kanya na ngayon ako babalik si Mang Berto lang ang sinabihan ko para sunduhin ako

Isasabay ko na si Mafe dahil may pasok na din sya. Sobrang saya lang na nandito ako kasama ang family ko salamat nalang at pinagbigyan ako ni Deanna na makasama sila

Okay lang naman sana na magstay pa ako dito ng matagal kaso baka makahalata na sila Nanay, saka nag-aalala din ako kina Lolo at Lola lalo at busy si Deanna

Nahihiya din naman ako kay Deanna baka isipin inaabuso ko na sya porket pinayagan nya akong dumalaw ako sa family ko

Tapos na akong naghanda na ako ng gamit ko lumabas na ako sa kwarto nakita ko namang nakahanda na si Mafe

Bunso nasaan si Nanay? tanong ko dahil hindi ko makita si Nanay

" Nandyan ate naghanda ng meryenda para daw kay ate Deanna " sabay ngisi sa akin

Talaga lang ha close na close sila? sabay tawa ko sakto namang dating ni Nanay na nakahawak ng paperbag

" Jessica anak pakibigay ito kay Deanna masarap ito sana nagustuhan nya " sabi ni Nanay sabay abot ng paperbag

Ano ba yang niluto mo Nay? Ang effort ha porket Boss ko? hehe kinurot lang ako ni Nanay

" Pasasalamat ko nalang ito sa mga ginawa nya para sa pamilya natin, saka nasabi nya sa akin na mahilig sya sa matamis. Kaya ito nagluto ako ng banana cue at kamote cue mas masarap parin yung lutong bahay " paliwanag ni Nanay

" Eh Nay gusto din naman namin ni Ate ng ganun bakit hindi mo kami pinagluluto? " pagtatampo ni Mafe sabay pout kinurot sya agad ni Nanay

" Hay ang dami mong alam Bunso saka eto oh meron din sayo bigyan mo mga kaibigan mo " sabi ni Nanay meron din pala sa kanya nagdrama pa haha

" Ayieh ang sweet naman ng Nanay namin " sabay yakap ni Mafe sa kanya

" Saka nalang naglalambing itong bunso ko kung may pagkain " pang-aasar ni Nanay tumawa lang ako

" Nay naman ako kaya pinakamalambing na anak nyo " pagtatampo ni Mafe pinisil pisil lang ni Nanay ang pisngi nya

" Hay ikaw na bata ka lahat naman kayo malambing iba-iba nga lang ng paraan maglambing hehe " sabay tingin ni Nanay sa akin yumakap nalang ako sa kanya baka matagal ko na naman silang hindi makasama

" Anak nandyan na ata yung sundo nyo " sabi ni Tatay na may hawak na basket na puno ng gulay malamang ipapadala nila sa akin alam nilang mahilig ako sa gulay

Lumabas na kami inabot na ni Mang Berto ang mga gamit namin ni Mafe

Nay Tay mag-iingat po kayo ha tawagan nyo po ako kung may problema sabi ko sa kanila sabay halik at yakap

" Wag mo kaming alalahanin ng Tatay mo anak okay lang kami dito, dalasan nyong dumalaw " sabi ni Nanay sabay ngiti

" Paano po Nay, Tay mauna na po kami ni Ate " paalam ni Mafe sabay halik at yakap nagmano na kami bago pumasok sa sasakyan

" Ate sa susunod na dalaw mo dito sabihan mo ako ha " sabi ni Mafe sabay sandal sa balikat ko naglalambing ang bunso namin hehe

Sige basta ba wala kang pasok Bunso sagot ko naman

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now