EIGHTY THREE

7.1K 215 19
                                    

D E A N N A's




Ilang araw na kami dito sa family ng asawa ko kaya iniisip ko narin ang company lalo at may mga prospect investor na naman. Mas mas okay kung maraming investor para naman kapag mag-expand ang company wala na problema sa paglilinaw sa investor


Naisipan kong tawagan muna si Celine para makibalita sa company, pagkatapos ng ilang ring sinagot naman nya.


" Hi boss goodmorning " masiglang bati nya


" goodmorning din Ced, kumusta naman dyan? " tanong ko agad tumawa naman sya



" haha grabe boss ha ilang araw ka palang wala baka magtampo ang bestfriend ko nyan kasi puro ka trabaho " sagot nya nailing nalang ako




" its not like that, kumusta mga bago nating investor? " tanong ko ulit





" okay naman boss, yung iba pinapabackground check ko pa " sagot nya tumango-tango naman ako



" mabuti naman kung ganun, we must be wise sa pagpili ng magiging part ng company natin ika nga nila nasa huli ang pagsisisi " sagot ko




" noted boss, huwag kang magworry mag-enjoy ka lang dyan saka tinutulungan naman ako ng pinsan mo " sagot nya



" great, baka naman napapabayaan na ni Caloy ang office nya at dyan na nakatambay haha " pang-aasar ko



" hey babe coffee? " rinig ko sa kabilang linya teka ang aga pa nandun na si Tots?



" hoy Ced anong ginagawa ng mokong na yan sa ganitong oras? " tanong ko



" a...ah ewan ko boss baka napadaan lang " sagot ni Ced ramdam kong kabado sya natatawa nalang ako sa loob-loob ko




" dude hi huwag mo naman takutin tong jowa ko " sagot ni Caloy malamang baka niloudspeaker na ni Ced



" ano ka ba babe nakakahiya kay boss " singit ni Ced natawa nalang ako




" hoy Caloy ano wala kang trabaho? at nandyan ka ngayon? " tanong ko natawa lang sya



" may pasok ako dude kaya lang dumaan muna ako para dalhan ng kape tong mahal ko so wala naman sigurong masama dun kalma okay? " dipensa ni Caloy


" babe akin na kasi ako na ang kakausap kay boss D huwag na makulit " singit ni Celine



" nah ako na ng bahala dito babe, para saan pang naging pinsan ko tong si Deanna " pagmamalaki ni Caloy naku nagyabang na naman ang mokong



" ibigay mo na yung kape kay Ced at umalis kana marami pa kaming pag-uusapan bumalik kana lang ulit break time na " sagot ko kahit diko nakikita tong mokong alam ko nakanguso to sa sinabi ko



" grabe ka naman sakin dude kapag ikaw talaga may kailangan who you ka sakin " naiinis na sagot nya



" sige na dude bye haha " sagot ko napabuntong hininga nalang sya



" oh eto babe kausapin ka daw ng pinsan ko, aalis na ako see you later. I love you " sagot nya natawa nalang ako



" b...boss s..sorry talaga hindi ko alam na dadalaw sya " paumanhin ni Celine



I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon