SIXTY THREE

8.7K 212 30
                                    

J E M A's

Maaga kaming nagising ni Nanay para makapaghanda ng umagahan nakakahiya naman sa grandparents ni Deanna

Isa pa sanay akong ipaghanda sila ng breakfast lalo nung kasama namin sila sa condo

Bumaba na kami ni Nanay at nadatnan namin si Lola na kasalukuyang nagkakape

" Goodmorning po Lola " bati ko ngumiti naman sya

" Goodmorning hija, balae ang aga nyo naman atang bumangon sana ay nagpahinga muna kayo " sagot ni Lola ngumiti lang kami ni nanay

" Naku balae nasanay kasi akong bumangon ng maaga " sagot ni nanay ganun ata talaga kapag tumatanda na sign of aging hehe

" Lola magluluto po sana kami ni nanay ng umagahan natin kaso nauna pa po kayong bumagon hehe " sagot ko tumawa naman si lola

" Ano bang naiisip mong lutuin hija? " tanong ni lola

" balak ko sanang gumawa ng pancake lola paborito yun ni Deanna, tapos egg, hotdog at bacon ko with fried rice " sagot ko naman

" alam mo balae si Deanna walang hilig sa breakfast noon pero nung dumating sa buhay nya si Jema wala na syang magawa kundi kumain ng lahat ng niluluto nya at one thing kumakain na sya ng gulay ngayon  hehe " natatawang kwento ni Lola

" Maalala ko lang noong una syang dumalaw sa bahay balae, hindi sya marunong magkamay kaya ng makahalata si Jema ayun inabutan nya ng kutsara at tinidor hehe " kwento din ni Nanay napatawa naman kami

" Goodmorning po, mukhang nagkakatuwaan po kayo " napalingon kami sa nagsalita lumapit naman ako at humalik sa pisngi nya

" Goodmorning love " bati ko saka ko sya inayang maupo

" Magandang umaga anak / Goodmorning apo " bati naman ni nanay at lola sa kanya

" mhmh ang bango naman po ng almusal natin " masayang sabi nya gutom na siguro tong mahal ko kaya bumaba na hehe

" Gutom kana ba anak? di bale at malapit ng matapos ito " sagot naman ni nanay umiling naman si Deanna

" take your time po nanay, I can wait naman po nahintay ko nga ang mapapangasawa ko eh hehe " sagot ni Deanna napatawa naman kami may hugot pa

" Naku may ganyan ka ng nalalaman apo  hehe " sagot ni Lola at pinisil ang pisngi ni Deanna

" mano po kay Lolo hehe " pagbibiro nya kinurot naman sya ng lola ilang sandali lang ay natapos na kaming magluto bumaba narin si lolo, Tatay at Mafe pagkatapos nagdasal nagsimula na kaming kumain

" balae bago kayo umuwi ay dumalaw muna kayo sa amin " sabi ni Lolo

" oo naman balae yun lang pala, hindi pa namin alam kung kelan uuwi dahil gusto naman naming sulitin kasama itong si Jessica habang wala pang pasok si Mafe " sagot ni tatay tumingin sa akin ngumiti naman ako

" kung ganun dalasan nyo namang pumunta dito, o kaya dumito muna kayo balae. Pwede din naman na dito muna kayo umuwi Deanna " sabi ni lolo

" pag-uusapan po muna namin nila tatay lolo dadalasan nalang po naming dumalaw " sagot naman ni Deanna

" paano yan balae papasok itong dalawang bata pwede naman dito muna kayo susunduhin nalang kayo ni Deanna mamayang gabi " sabi ni lola

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now