TWENTY FOUR

11.5K 265 66
                                    

Jema's Pov

" ATE! " sigaw ng magaling kong kapatid na si Mafe nagmulat ako ng mata ng nakasimangot

Mafe ano bang problema mo hindi ka ba marunong kumatok? inis na sabi ko nakangisi lang sya sa akin

" FYI ate kanina pa ako kumakatok, hindi ko alam na pinagnanasahan mo na yang Boss mo " sabay nguso nya kay Deanna, narealized ko naman ang itsura namin yakap na yakap ako sa kanya lumayo naman ako agad. Tsk! nahuli kami ni Mafe na ganito ang itsura

Ano ba kasing kailangan mo? pag-iiba ko ng usapan

" Wala naman natural namiss kita ngayon nga lang tayo nagkatagpo dito sa bahay ate " paliwanag nyang nakangiti parin ng nakakaloko

Bakit kasi hindi mo nalang inantay na bumaba kami ang sarap ng tulog ko inis na sagot ko

" Masarap ang tulog ate o masarap lumandi sabagay yung ganyan ba naman ang katabi? " taas kilay na tanong nya binato ko agad ng hawak kong unan

Pwede ba Mafe ang dumi ng utak mo, yan ba ang natutunan mo? sabay irap ko tumawa lang sya

" Hindi yun ang natutunan ko ate yun ang nakita ko kanina hahaha " pang-aasar nya inikutan ko lang sya ng mata

Pwede ba Mafe nakakahiya kay Deanna baka magising sya hintayin mo nalang kami sa labas inis na sabi ko

" Ayieh gusto ulit makayakap sa Boss nya, alam mo ate ang cute nyang Boss mo sarap jowain hehe " sabi nya na kilig na kilig inirapan ko lang sya

Ano ba kaba Mafe ang bata-bata mo pa saka may jowa na yan  tumatawa lang sya

" Talaga ate sino naman? " taas kilay nyang tanong

Ako! napahawak si Mafe sa bunganga nya teka anong nasabi ko? self ang tanga mo. A-ah ibig kong sabihin a-ako lang ang nakakaalam na may jowa na sya tama yun nga yun pagpapalusot ko

" Kung ikaw lang ang nakakaalam sino? " ulit na tanong nya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko

A-ah a-ano k-kasi s-secret l-lang daw alam mo na baka maissue sya. Bunso naman maniwala kana

" Sayang naman pala, buti okay lang sa jowa nya na ganyan kayo kaclose I mean nagtatabi pa kayong matulog? " nagtatakang tanong nya tsk! hindi ba to mauubusan ng tanong?

K-kasi m-may tiwala n-naman sila sa isa't isa sagot ko

" Mhmh kung ako jowa nyan, maiinis ako " seryosong sabi nya kumunot ang noo ko

Bakit naman sana? takang tanong ko

" Natural naman ate kita mo nga itsura nyo mukha bang magkatrabaho lang kayo? " sabay tingin nya sa amin

Tsk! Ano ba Mafe lumabas kana nga lang ang dami mong alam pagtataboy ko sa kanya

" Hehe ikaw ate ha nagiging marupok kana atang secretary " pang-aasar nya sa akin

Umalis kana kung gusto mo pang may allowance na galing sa akin seryoso kong sabi tumawa lang sya

" Eto na po aalis na, baka makaistorbo ako sa lambingan nyo. Ate ha matutong maglock ng door baka mamaya mapurnada yung moment nyo hahaha" sabay takbo nya palabas nailing nalang ako kahit kelan talaga

Tinignan ko lang si Deanna na mahimbing na natutulog, hay tulog mantika ang ingay na namin ni Mafe tulog na tulog ka parin

Bigla naman nagring ang phone nya tinignan ko ang caller i.d. mhmh si Ced ang tumatawag baka sa office ito. Tinapik-tapik ko naman ang pisngi at balikat nya. Nagmulat-mulat naman sya ng mata.

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now