NINETY THREE

6.4K 173 25
                                    

D E A N N A's



Kinabahan ako sa mga titig ni Tatay para akong binubugbog sa mga tingin nya.



Well I can't blame him kung magalit sya sa akin, its my fault. I did promise not to hurt her daughter but I failed.



" Oh ano pang inaantay nyo kumain na tayo " seryosong sabi ni Tatay napalunok naman ako at pinaghila ng upuan ang asawa ko




" Deanna anong sabi ko sayo noong bago kayo ikasal ni Margarett? " tanong nya napatingin naman kami sa kanya





" T..Tay " tawag ng asawa ko sa kanya

" Hindi ikaw ang kausap ko dito Margarett kundi ang asawa mo " sagot ni tatay hinawakan ko naman ng kamay ng asawa ko para pakalmahin sya




" T..Tay ang sabi mo po kung sasaktan ko lang ang asawa ko ay mas mainam na ibalik ko sya sa inyo. " nahihiyang sagot ko napabuntong hininga naman si Tatay





" Anong nangyari at biglang umuwi si Margarett dito na hindi ka kasama? Ibig sabihin ba nito ay nasaktan mo ang asawa mo? " tanong nya at tumitig sa akin




" Tay gaya din po ng sinabi ko noon hindi ako mangangako na hindi ko sya masasaktan dumating po kami sa punto na nagkasakitan, nagkatampuhan pero Tay wala po sa intensyon ko na saktan sya. Hinding-hindi ko po sasadyain na saktan sya. Nagkamali po ako Tay kaya po ako nandito para ayusin ang sa amin ng asawa ko. " pakiusap ko tumango-tango naman sya




" Dapat lang na ayusin nyo ang dapat ayusin, hindi kami galit sayo ng Nanay mo normal lang iyan at nauunawaan namin dahil pinagdaanan din namin ang mga yan noong bago palang kaming mag-asawa. Alam mo ang mahalaga ay yung iisipin nyo parin kung paano ayusin ang lahat kahit minsan ito ay imposible na. " sagot ni tatay nakahinga naman ako ng maluwag




" Salamat po sa pang-unawa tay, nay sana po ay mapatawad nyo po ako kung nasaktan ko ang anak nyo. " sagot ko tumango lang naman sila at ngumiti




" Dahil nandito narin naman tayong lahat, bakit hindi pa natin pag-usapan ang naging problema ninyo at baka matulungan namin kayo. " sagot ni nanay




" Sige po Nay, nagkaroon po kami ng problema dahil pressured po kami sa pagkakaroon ng anak lalo na po at laging tinatanong ni Dad sa akin kung may plano na ba kami. Nagkamali po ako dahil hindi ko po inaalam ang gusto ng asawa ko at never po kaming nagkausap tungkol doon. " paliwanag ko naramdaman ko naman ang titig ng asawa ko sa akin





" Naku sa away nyo pala ay parang may kasalanan din kami dahil excited kaming magkaapo sa inyo " sagot ni nanay




" Wala po kayong kasalanan Nay saka normal lang po siguro ng hilingin nyo talagang magkaapo po sa amin. Yun nga lang po at dahil sa sobrang busy ko sa office nakakalimutan ko ng kausapin ang asawa ko, na buong akala ko hindi pa sya handa sa pagkakaroon ng anak po kaso sa nangyari po mukhang ako po pala ang hindi handa. " sagot ko napabuntong hininga naman si tatay





" Ito Deanna seryosong usapan anak, ano bang balak o plano mo sa pagkakaroon ng anak? " tanong ni tatay napatingin naman ako sa asawa ko


" Tay ang totoo po nyan, gusto ko po munang malaman kung handa na ang asawa ko sa procedure. I mean hindi po magiging madali ito kailangan nyang ihanda ang sarili nya physically and mentally. Magiging risky po ito sa part nya since sya ang magdadala sa anak namin. Hindi po maiwasan na mag-alala po ako sa kaligtasan nya " paliwanag ko tumango si tatay




I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now