EIGHTY FOUR

6.9K 214 60
                                    

D E A N N A's




" Deanna samahan mo ako mamaya sa kubo " sabi ni tatay katatapos lang namin kumain




" tay bakit gabi na oh matutulog na kami ng asawa ko " singit ng asawa ko


" hay ano ba yan Jessica wala ka bang tiwala sa akin na tatay mo? saka nasa bakuran lang kami " seryosong sagot ni tatay



" tay naman kasi ipagpabukas mo na yan kung ano man ang sasabihin mo kay Deanna " nakangusong sagot ni Jema



" love pagbigyan mo na si tatay, susunod naman ako " sagot ko napabuntong hininga nalang sya


" umakyat kana anak, hayaan mo na muna yang tatay at asawa mo " singit ni nanay




" oo nga ate akala mo naman mawawala si ate Deanna sayo nandyan ka lang oh " pang-aasar ni Mafe inirapan naman sya agad ng ate nya



" hayyy! oo na wala naman akong kakampi " naiinis na sagot nya at tumalikod natawa nalang kami



Naglakad na kami ni tatay papunta sa kubo at nanlaki ang mata ko ng may alak at pulutan


" huwag kang tatanggi Deanna ngayon lang ulit tayo mag-iinuman " mukhang alam agad ni tatay ang nasa isip ko





" o..opo tay " nauutal na sagot ko malilintikan na naman ako neto sa asawa ko hayyyy nagsalin na agad si tatay sa baso namin at naku po lambanog pa naman to



" okay Deanna CHEERS! " sagot nya ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko grabe ang init hanggang sa tyan ko



" diba masarap Deanna? " tanong ni tatay mabilis akong tumango



" o...opo tay ang tapang po " sagot ko tumawa naman sya





" matapang talaga ito, puro kasi ito Deanna at home made kaya gusto kong ipatikim sayo " proud na sabi ni tatay tumango naman ako




" kayo po ang gumawa tay? " manghang tanong ko mabilis syang tumango






" oo ako ang gumawa nito matagal ko ng gustong ipatikim sayo to kaso ang tagal nyong dumalaw sa amin " pagtatampo ni tatay



" pasensya na po tay naging busy lang po kami ni Jema pagkatapos ng kasal namin " paumanhin ko tumango lang sya





" isa pa yan anak na gusto kong pag-usapan natin " sagot ni tatay napatingin ako sa kanya



" ano pong ibig mong sabihin tay? " nagtatakang tanong ko



" baka sa sobrang busy nyo sa kanya-kanyang trabaho ay mawalan na kayo ng oras sa isa't isa " sagot ni tatay kelan lang nung nag-away kami dahil sa busy ako sa opisina



" sisiguraduhin po namin tay na may oras po kami sa isa't isa " sagot ko tinignan nya lang ako


" paano na pala ang balak nyong magkaanak? pinag-uusapan nyo na ba? " tanong ni tatay



" hindi pa po namin napag-uusapan tay " sagot ko




" hindi na kami bumabata Deanna maging sila balae, sana ay mabigyan nyo kami ng apo " sagot ni tatay napatingin ako sa kanya



I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon